KUMPARA SA mga karakter na ginampanan ni KC Concepcion sa Ikaw Lamang at Huwag ka Lang Mawawala na pawang heavy drama ang tema, very light lang daw ang kanyang role sa Exchange Gift dahil romance comedy ito. At masaya raw siya na maganda naman ang feedback sa Pasko serye nilang ito ni Paulo Avelino na magsisimula nang umere sa ABS-CBN ngayong araw.
“I play the role of Ana Salcedo. It was nice,” sabi ni KC. “It was parang… very refreshing. Kasi naramdaman ko na parang naglalaro lang kami. Working with Paulo was also a very interesting experience. Kasi for the first time na-share namin kung anong meron kami sa camera sa ibang tao.
“Natakot kami ar first. Pero nagawa naming tapusin and then ngayon meron na kaming ipapalabas. It was nice. At saka sa Tagaytay kami nag-taping so medyo hindi kami nahirapan sa init o sa ano. Maganda po at naging relaxed kami sa set. Dahil iba ‘yong scenery at malamig.
Happy ending ba?
“Kung gugustuhin ni God. ‘Di ba wala naman tayong control sa mga mangyayari? Pero marami pa kaming mga gustong gawin. Right now we’re happy na may ginawa kami together na masaya kami. And… happiness kasi exciting ‘yong mga scenes. Tapos parang comedy na light.
“Tapos first time din namin to involve each other sa isang professional ano na naman. Kasi for for years since may ginawa kaming episode for MMK, puro kami ‘yong personal ano… So, kung tuloy tuloy na maganda ‘yong meron kami. Kung ‘yong friendship ba ‘yon o ‘yong connection naming tuloy-tuloy. Na… magkaintindihan. Na suportahan namin ang isa’t isa na maging better people at mag-improve.
“Siyempre bakit n’yo naman ipapasok ang isang tao sa buhay n’yo kung ikakasama mo naman ‘yon? And so far, parang okey naman. So, as long as magtuluy-tuloy po ‘yon, then… we don’t know.”
Sa Exchange Gift, maraming nakakikilig na eksena sina KC at Paulo. Sabi nga ng mga production staff, parang lang silang nasa isang reality show.
“Siguro may time na parang nadadala ako sa adlib. Kasi… natutuwa lang ako sa situation. At saka pipigilan naman kami ng director namin kung ayaw niya naman. So, pinayagan naman akong mag-play with the scene. ‘Yong mga eksenang gano’n, parang naengganyo akong gawing mas ano pa ‘yong scene. Marami talagang mga nakakikilig na scenes. Like ‘yong first few days ng episode namin, iyon ang mga kilig talaga.
“Kina-cut na namin ang sarili naming sa take. Kasi sumusobra na, in the middle of the take… cut! Kasi ang daming adlib! Kaya kami rin ang nag-i-stop sa sarili namin.”
May mga bagong na-discover ba siya about Paulo during the time na nagti-taping sila for Exhange Gift?
“Uhm… ano, puwede rin siyang funny. Kasi kapag tiningnan mo siya, akala mo parang super-serious. ‘Yong kunwari sa eksena, may mga scenes kami na kunyari ‘yong naghulog ako sa putikan, naputikan ako or ‘yong kasama niya ‘yong mga baka niya… makikita mo na komportable siya. Na… wala lang. Hindi kailangang intense na parang ‘yong sa Walang Hanggan ‘yong scene. Hindi kailangan na gano’n. So, maganda na ma-experience namin ‘yong light roles. Para ibang ano naman.”
Marami ang nakapupuna, they really look good together nga talaga.
“Huwag nating i-take for granted!” nangiting reaksiyon ni KC.
Anong ibig niyang sabihin sa huwag i-take for granted?
“Magandang marinig ‘yong ganyang feedback. Kasi hindi naman kami naging friends o naging close dahil gusto naming magka-project. Actually ayaw nga namin no’ng umpisa. Kasi showbiz can ruin friendships. ‘Di ba? Showbiz can affect ‘yong connection ng dalawang tao.
“I’m happy naman na may mga naisi-share ako kay Paulo like tungkol sa work, kung paano ba dapat sa work o ‘yong professionalism. Or ‘yong pagtrato sa isang tao. O kahit sa family life. Na kahit papa’no, ako naman ‘yong… kung papa’no ‘yong situation ng son niya ngayon, ako ‘yong batang iyon dati. So, kahit papa’no naisi-share ko sa kanya kung ano ‘yong magandang gawin para sa bata. Kung ano ba ‘yong maaalala ng bata or ano ba ‘yong magandang gesture para mas maging strong pa ‘yong bond nila ng anak niya.”
Ganyan?
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan