PANAHON NA ba para maging kontrabida ang role ni KC Concepcion?
Sa pagbabalik ni Judy Ann Santos sa Primetime Bida sa Huwag Ka Lang Mawawala simula sa June 17, role ng pag-iinitan ng mga solid Juday fans ang gagampanan ni KC sa telenobela.
Kung ma-imagine mo si Cherie Gil na ka-eksena si Sharon Cuneta noon, kung tagahanga ka ni Juday, mag-iinit ang ulo mo kay KC.
Sa katunayan, sa isang eksena nga raw tila napalakas ang sampal na iginawad ni Juday kay KC, ayon sa kuwento ng aktres kamakailan.
“Hindi man sinasadya pero pinapauna ko na kaagad ang sorry at pagkatapos ng mga ganu’ng eksena para wala nang samaan ng loob. Pero bago mag-take, dini-discuss na namin na baka magkasakitan para maipalabas namin ang ganda ng scene,” kuwento ni Juday.
Kung napaaga man ang pagko-kontrabida ni KC, at least sa isang Juday naman siya magne-nega!
ISANG AQUARIUM ang showbiz. Lahat ng tao pinapanood at sinusundan ang langoy ng mga sirena at syokoy sa loob ng malaking aquarium.
Sinimulan ito kamakailan ng pamilyang Barretto nang magtapunan sila ng kani-kanilang mga dumi at baho na habang nagmamasid lang si Juan, tuloy ang pasiklaban nila sa isa’t isa.
Pero saan nauwi ang sisihan at sumbatan ng pamilya nila? Nauwi sa wala. Mabuti na lang, wais si Gretchen at hindi nagsalita. Tinanggap ang mga tira at akusasyon sa kanya ng ina at mga kapatid. Pero sa bandang huli, nakita ng publiko kung anong klase silang pamilya. Problemado sila kahit Inglisan nang Inglisan at kahit de-kotse at natutulog sa de-aircon nakuwarto.
Pagkatapos ng mala-pelengkeng giyera-patani nila, sinundanan naman ng sirenang si Ai-Ai de las Alas na sa pagbili niya ng ilusyong pag-ibig, akusasyon niya sa kanyang halos isang buwang “asawa”, manggagamit at pera lang niya ang habol ng mister habang hagulhol siya sa kaiiyak sa harap ng telebisyon.
Ayaw paawat ni Vice Ganda. Umagaw ng eksena. Sa halos sunud-sunod na “freak show” sa showbiz, rumatsada ang isyung pambabastos ng komedyante sa respetadong journalist na si Jessica Soho na hind inabot ng isang linggo, tinapos na ni Vice ang palabas nang mag-public apology siya sa It’s Showtime sa ginawang kabulastugan.
Hindi pa man nakapagpapahinga ang mga miron, heto’t sumunod naman ang palabas ni Charice na umamin on national TV na “Yes, tomboy ako.” sa The Buzz sa exclusive interview ni Boy Abunda sa kanya.
Noon pa man, may hinala na ang marami na “tiburcia” si Charice. Sa iba’t ibang salita tulad ng tibo, pards, lengua at kung anu-ano pa, panahon lang ang hinintay niya para magsalita siya. ‘Di nga ba’t may isang babae siyang bitbit noon sa show ni Kris Aquino na sinasabing inspirasyon niya? Hindi nga ba natsismis din sila ng kanyang Canadian na personal assistant-turned-road manager na sa bandang huli ay lumabas din ang katotohanan na noon pa man ay magka-live in na sila ni Courtney Blooding bago pa ang pag-amin.
Sa pag-amin niya, iba-iba ang reaksyon ng publiko. May positibo na masaya dahil ipinakilala na ng international singing sensation kung ano ang seksuwalidad niya.
Sa akin, walang masama. At least, happy ako para kay Charice. Mahirap magtago at magpakilala. Suwerte nga siya at natapos na rin ang kalbaryo niya, ‘di tulad ng iba. ‘Yun nga lang, ang pag-amin niya ay nagmukhang freak show na naman sa perya.
Hindi pa nga’t nakakahinga, sumabat naman ang ina niya na si Raquel at inamin din na isa siya dating lesbiyana na converted lang na maging babae nang pakasalan niya ang ama ni Charice (Meron palang ganu’n? Magpa-convert na nga rin lang). Kaloka! For what reason? Para ano pa ang pag-amin niya? Na may pinagmanahan ang anak?
Kulang na lang, pati ang lola siguro ni Charice ay umagaw rin ng eksena at aamin sa publiko na isa ring tibo si lola o dati siyang “syota” ng lesbian, hindi kaya?
Mapapailing ka na lang sa kanya-kanyang agaw- eksena sa loob ng aquarium. Mabuti na lang, hindi ako isang “freak” tulad nila na ang publiko at nagmamasid ay dinadalirot ang buhay ko; pinagtatawanan at pinag-uusapan nang talikuran kung hindi man harap-harapan.
Kung ano man ang reaksyon ng publiko sa kanila, they deserve all the panglalait dahil sila rin ang may kagagawan. ‘Yun nga lang, mas madatung sila kaysa sa akin, pero binabayoy naman sila ng mga miron sa Bayan ni Juan.
Pero para sa akin, sa lahat ng mga freak shows na pinanood ng mga miron, itong isyu ni Charice ang super at ayaw magpatalbog!
Reyted K
By RK VillaCorta