NAPAKASUWERTE NG LALAKING iibigin ni KC Concepcion. Nasa kanya na yata ang mga katangian ng isang babaeng dapat mahalin at sambahin. Ibang klase pala kung magmahal ang dalagang ito, matindi! Kaya naman very vocal sina Richard Gutierrez at Piolo Pascual sa panliligaw sa singer/ actress.
Hindi kaila sa atin, minsan na ring nagmahal si KC Concepcion. Ano ‘yung feeling ng isang babaeng in love? “Iba rin, there are things like in the movie, na-experience ko rin na pinakawalan mo, masaya ka. Alam mo tama ang ginawa mo so, ganoon na rin siguro ‘yun. Ganoong klaseng feeling.”
Ano ba gusto niyang maging boyfriend? “’Yun nga po mahirap sabihin na non-showbiz na lang. Kasi, mahirap sabihin siyempre, na-realize ko rin ngayon kahit non-showbiz kung barkada nga, matagal ko na pong kilala. Mahirap i-explain sa kanila. Eksakto ‘yung rason kung bakit nawawalan ako ng kaunting time to spent with them. Nawawalan ako ng kaunting panahon, nawawala ako sa buhay nila lalo na kung may project, what more kung boyfriend mo .
“Ang hirap i-explain lahat at mayroon ding hindi maiintindihan ‘yung hindi alam ang mundo ng showbiz. So, ideally siguro for me right now, isang taga-showbiz na hindi showbiz mag-isip. At least, pareho ‘yung mundo namin at the same time mabibigyan niya ako ng time. ‘Yung mga kakilala naming malamang pare-pareho rin, kasi same world. Hindi na niya kailangang magtanong, mag-isip na hindi dapat isipin kasi alam na niya ‘yung kultura dito. Ganito talaga ngaragan, kailangan focus ka sa work mo, ganoon. And if ever may isa sa aming mag-decide na huwag ng mag-showbiz, at least may ibang mundong hindi nakaikot sa pagiging artista lang. Taga-showbiz na hindi showbiz mag-isip ‘yung respetadong tao sa showbiz.”
Sa tono ng pagsasalita ni KC, posibleng ma-inlove siya sa kapwa niya artista? “Maganda ‘yung magwo-work ka tapos nai-in love ka, magkasama lang kayo, hahaha! Kailangan pareho kayong libre para mag-work.”
Kung dumating ‘yung time na puwede nang lumagay sa tahimik si KC, ano ‘yung right age for her? “Late 20’s early 30’s. Gusto ko bata pa rin ako para kahit saan-saan, puwede pa kaming pumunta. May mga adventure pa rin kami, sana game siya sa ganoon. ‘Yun naman ang gusto ko sa guy parang game lang, sige lang! Aalagaan ka pa rin kasi, sobra akong… once na mahal na kita, hinahanap ko na sa iyo ‘yun. Kahit kaibigan lang, nand’yan ako para sa ‘yo. Sobra akong magpi-pray na may isang tao d’yan, ganoon din katindi ‘yung pangangalaga sa akin as in ganoon ako. You wanna feel protected. Gusto ko someone who can protect me, make me feel better. There is something na sobra kasi akong sensitive. I can cry about non-sense things. Someone who will understand na hindi maiinis sa akin. Somebody na kaya niya akong patawanin, sensitive talaga ako.”
Paano nga ba ma-inlove ang isang KC? “Masayahin ako, sobra akong nabubuhayan. Lagi akong nakikinig ng music bigla. Makikita naman sa mata ko ‘yun, sobrang transparent ang mata ko. Gusto kong i-share sa kanya lahat, I’m interested in, na sana interested din siya. Marami akong nakikita, napapansin ganoon. Sana hindi siya judgmental, ‘di ba? Kasi, sobrang open ako. ‘Yun nga po siguro, gusto ko alam niya ‘yung weird. Gusto ko ‘yung taong mag-aalaga sa akin and at the same time ‘yung magpapaalaga sa akin. Kasi, may mga lalaking ayaw magpaalaga, kasi macho-macho. Ayaw ko ng ganoon.”
Kapag nagmahal ba si KC, she gives everything ? “As a person sobra akong affectionist, ‘yun ang sinasabi nila about me. Minsan ‘yung mga guys kong friends, kung hindi nila ako kilala baka isipin na parang iba. Actually masyado akong wow – ‘yung ganoon. What more kung boyfriend, very touchy feeling kasi, mahilig ako sa human contact and everything! Pagdating sa lalaking mahal ko, sa harap ng tao hindi ko siya magalaw. I like keeping things very private between me and him. Gusto ko ‘yung feeling, kaming dalawa lang ang may alam.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield