Real Name: Casey Wyatt Miller
Birth Date: June 17, 1978
Zodiac Sign: Gemini
Symbol: The Twins
Ruling Planet: Mercury
Quality: Mutable
Element: Air
Basic Trait: I Think
Closest Metal: Quicksilver
Lucky Day: Wednesday
Lucky Colors: Saffron Yellow and Azure Blue
Lucky Gems: Topaz, Agate and Aquamarine
Lucky Flowers: Azaleas and Lilies
RHIAN RAMOS
Real Name: Rhian Denise Ramos Howell
Birth date: October 3, 1990
Zodiac Sign: Libra
Symbol: The Balance
Ruling Planet: Venus
Quality: Cardinal
Element: Air
Basic Trait: I Balance
Closest Metal: Copper
Lucky Day: Friday
Lucky Colors: Pastel shades of Pink and Blue
Lucky Gems: Lapis Lazuli, Cornelian and Sapphire
Lucky Flowers: Daisies and Daffodils
FOR THE first time in many years, umamin si Rhian Ramos tungkol sa taong kasaluku-yang nagpapatibok ng kanyang puso. Kilala sa pagiging ‘denial queen’ pagdating sa buhay pag-ibig ang Kapuso leading lady (kahit itanong n’yo pa kina Mark, JC at DJ Mo!). Nadala na siguro ito sa kinahinatnan ng kanyang past relationships kaya ngayon ay open na siya sa pag-amin tungkol sa bago niyang irog na si KC Montero.
Si KC Montero ay kilala sa pagiging MTV VJ/ radio DJ at model. Marami rin ang humanga sa kanya nang maging real-life prince charming ito ni Geneva Cruz bago sila naghiwalay ng landas. ‘Exclusively dating’ na raw ang dalawa at sa katunayan nga, marami ang naaaliw sa tambalan nila.
Weyt lang, ha? Huwag tayong masyadong makampante! We all know that relationships are often happy in the first few months. Maging happily ever after kaya ang ending ng relasyong KC-Rhian? Itanong natin sa buwan… este, sa bolang kristal! Boom!
Very sociable ang Libra at Gemini. Sa katunayan nga, ito ang isa sa mga charms nila kaya mahal na mahal sila ng madlang pipol. Considerate din ang Libra lalo na pagdating sa relasyon – handa itong magsakripisyo para sa iba. Ang isa sa common traits ng Libra at Gemini ay pareho silang hindi padalus-dalos sa pagde-desisyon.
Appreciative sila sa mga simpleng bagay at madali silang mapasaya. Nauunawaan nila ang isa’t isa. Sa katunayan nga, hindi na nila kailangang magsalita pa para sabihin ang kanilang saloobin. Gets na nila agad ang punto ng minamahal. They’re both intellectual and talented kaya there are no boring and dull moments between the two zodiacs. Lalong maiinlab ang Libra sa pagiging deep pero swabe ng Gemini. Sa kabilang banda, ang pagiging sweet and sensual ng Libra ang magpapaibig sa Gemini. Humor and wit is a big factor sa pagsasamang ito at obviously, present ito kina KC at Rhian. In a positive way, ha?
Ang love match sa pagitan ng babaeng Libra at lalaking Gemini ay kaaya-aya at hindi nakakaasiwa. Kakaiba ang kanilang chemistry at swak na swak din ang kanilang personality. Likas na matalino ang Gemini at kaya nitong magpatawa without being offensive to the others. Ang talent naman sa pagba-balance at pagiging sweet ang panlaban ng Libra para tuluyang mahulog ang Gemini sa kanya. Naks!
Ahemmm… a very promising match, indeed! Kami mismo ay nagsusumamo na sana’y sila na forever after all the failed love relationships in the past. Can’t you hear that boom, badoom, boom, boom, badoom, boom bass? <3
Pares-Pares
By Madam Damin