Hindi nagdalawang-isip si Kean Cipriano na tanggapin ang role ng isang bading na fashion designer sa pelikula ng Regal Films na “That Thing Called Tanga Na” ng Regal Films na si Joel Lamangan ang nagdirek.
“Ako, for some strange reason nu’ng ginagawa namin ito, sa simula naman talaga nu’ng project, kumbaga nag-usap naman kami ni Direk Joel kung anong klaseng gay ba si C.C. (name ng kanyang character), kung ano ba ‘yung flow niya? Pero nu’ng sinabi sa akin ni Direk Joel na ganito siyang gay, sabi ko, sige, gawin natin.
“Pero dahil nga I’m coming from the music industry, sa rock and roll side of the world, ‘di ba, iba rin siyang preparation. Like, may prayers na kasama, nagpi-people watching ako. Pero naniniwala kasi ako na every character I do, meron certain piece ‘yon of me, inialagay ko ‘yon sa character ko,” paliwanag niya.
Feel na feel din daw niya ang magbading sa pelikulang ginawa.
“Nu’ng ginagawa ko yung role na ito, sobra ko siyang nai-enjoy. Nagulat ako, kasi ba’t nai-enjoy ko ‘tong role na ito. Nakakatuwa siya kasi bago siya sa akin. Challenging siya for me at saka ibang experience din na at one point in my life gay ako, ‘di ba?” sey pa niya.
Wala rin daw siyang naging peg na gay personality habang ginagawa ang “That Thing Called Tanga Na”.
“Wala akong anyone in particular na naging peg. Kasi nu’ng mga unang shooting days po namin, tinitimpla pa po namin ni Direk Joel kung anong klase bang gay character ‘yung ipo-portray ko. Kung siya ba ‘yung all out na o nakalantad na cross-dressed, tipong finesse lang o sophisticated lang siya.
“Nag-end-up naman kami sa fashion designer na bilib na bilib sa sarili niya. Pormado lang siya, pero wala akong naging peg po in particular na certain person, walang ganu’n,” kuwento ni Kean Cipriano.
La Boka
by Leo Bukas