Ayon kay Kean Cipriano nang makausap namin siya after the premiere showing of “That Thing Called Tanga Na” sa SM Megamall, masaya siya sa kinalabasan ng pelikula at ng role niya bilang isang bading na fashion designer na iniwanan ng nakarelasyong dyowa dahil nag-asawa na ito ng babae.
“Happy naman ako kasi ginayd (guide) naman ako all the way ni Direk Joel (Lamangan). Saka ‘yung mga kasama ko rito, magagaling din, mga sira ulo rin. Kumbaga, proud naman ako… proud ako,” reaksyon ni Kean after watching the film.
Tatanggap pa ba ulit siya ng gay roles in the future?
“As long as the project is good and as long as the project is something na gusto ko, okey lang sa akin,” sabi ulit niya.
Blessed din daw siya na kahit isa siyang rakista ay nabibigyan siya ng movie projecs.
“I’m pretty blessed to have a career na I get to choose my project. Kasi itong showbiz, ‘yung acting world, films, TV, parang ano ‘to, eh, invitations sa akin ‘to ng mundo, eh.
“Kasi galing ako sa mundo ng musika, ‘di ba? At yon pa rin ‘yung number one priority ko. ‘Pag tinatanong nga ako, music ba o acting, music siyempre. Pero kumbaga, ‘yung acting, mahal ko na rin siya na hindi ko siya kayang talikuran. So pinipili ko rin naman ‘yung mga projects na ginagawa ko at nagdedepende ako sa materyal lagi – sa script at kung sinong kasama ko rin.”
Palabas na ang “That Thing Called Tanga Na” sa mga sinehan. Prodyus ito ng Regal Entertainment at sa direksyon ni Joel Lamangan.
La Boka
by Leo Bukas