ONE OF THE major stories ng Showbiz News Ngayon on their third episode last Wednesday ay ang paghihirap diumano ng dating escort girl at kauna-unahang Pinoy Big Brother Celebrity Edition winner na si Keanna Reeves. Keanna is being managed by Boy Abunda at si Kris Aquino naman ang nag-deliver ng news na naghihirap na nga si Keanna at nagtitinda na lamang ng siopao.
Right after ng show, ipinaliwanag ni Kuya Boy sa mga reporter na naimbita to cover SNN kung ano ang nangyari sa kanyang talent na naghihirap gayong supposed to be ay inaalagaan niya.
“Ang sinasabi ko okey, there was a time when she’s very busy. Right after the PBB she’s doing a lot of jobs. Siguro she didn’t play well, ‘di ba? Kasi ang industrya naman natin, you count on repeaters in terms of producers, in terms of pelikula. She’s learned the hard way. Kawawa rin naman. Nabigla, na-overwhelmed.
“Pero alam mo hindi ko nga nasabi kanina, may kuwento pa ‘yan, e. She couldn’t pay, kasi nag-swap ‘yan from Valenzuela, ‘yung price niya (sa PBBCE), sa isang condo sa EDSA. But she had to pay over a million. Hindi niya mabayaran for one year kasi wala ngang masyadong trabaho. Kinausap niya, bilib din naman ako sa babaeng ito, kinausap niya ‘yung may-ari ng GA Towers. Basta one of the children.
“Sinabi niya, hindi niya kaya. Na-wave ‘yung interes. Binabayaran lang niya ‘yung principal na lang. Tapos sinabi ko sa kanya kukunin ka na lang namin kapag may mga palabas bilang endorser, para mabayaran mo ‘yung condo. Ang sinasabi ko lamang ay, yeah, she committed some tactical mistakes when she’s really hot. Kasi ang laban d’yan, e, you have to be cast again in future projects, ‘di ba? And in fairness to her, I think she’s being humbled by all of this,” lahad ni Kuya Boy.
Naniniwala naman si Kuya Boy na hindi nagbalik sa pagiging escort girl ang kanyang talent. Buo ang tiwala ni Kuya Boy na sasabihin sa kanya ni Keanna kung sakaling bumalik na nga siya sa pagiging escort girl at hindi siya magtyatyaga sa pagbenenta ng siopao kung saan kumikita naman daw ang alaga niya ng neto na almost P1,000 a day.
At sa unang pagkakataon, nagsalita si Kuya Boy sa nababalitang paghain niya ng demanda laban kay John Lapus.
“It’s one of the options. Pinag-aaralan ‘yan ng mga abugado ko pero hangga’t maaari ayaw ko talaga. May mga ginagawang steps. Of course, my lawyers are bent on you know, going into the legal option. Pero patuloy na pinag-uusapan. Pero in the next few days, maybe one week meron ‘yan. Ako gusto ko ng tahimik na pag-aayos. Gusto ko talaga ng tahimik at maayos na pag-uusap.”
Umabot na sa pakikipag-usap sa kanyang mga abugado si Kuya Boy dahil sa paulit-ulit na ginagawa sa kanya ni John. Pero willing din si Kuya Boy na makipag-ayos kay John.
“Uhm, yeah, pupunta kami roon, pero meron lang ginagawa ang mga abugado ko na steps na pinaiintindi nila sa akin na bahagi ng proseso. Pero kung ako ang tatanungin bilang tao, sa tinagal-tagal ko naman sa negosyong ito hindi ako marunong mapikon, hindi ako marunong magtanim. For me to get mad will really take a lot.
“At one point he came over,” sabay pigil ni Kuya Boy sa sarili. “Ah, magalit sa akin ang lawyer ko. But you know, akala ko tapos na ito, e. Diyos ko, ang dami ko’ng sasabihin. Ah, ano ba’ng tawag dito? Ah. The turning point is that, disastrous. This really has to stop. I am condemning something that should not continue. Ayoko talaga.”
Pero higit diyan, masaya si Kuya Boy dahil sa napakataas na ratings ng SNN. Sa loob ng dalawang gabi, nakakuha ng almost 30% nationwide ratings sa TNS ang SNN. Phenomenal ang ganito kataas na rating sa isang panggabing palabas, huh. Dinaig pa ng SNN ang rating ng mga teleserye sa primetime. Ibig sabihin, ganu’n talaga katindi ang showbiz tsismis sa mga Pinoy more than any other shows.
Julie Ka!
by Julie Bonifacio