Keanna Reeves, lumabas ang sobrang ka-cheap-an sa pagbubulgar ng kakaibang sex trip ni Luis Manzano

Keanna Reeves & Luis Manzano
Keanna Reeves & Luis Manzano

Out of nowhere ay muling nag-iingay si Keanna Reeves, spilling the beans around tungkol sa umano’y pagtatalik nila ni Luis Manzano. And because of Keanna’s coming out—the motive of which ay halata namang para sumikat lang at another’s person’s expense—naungkat tuloy ang luma nang isyu tungkol sa kakatwang trip ng ABS-CBN host: ang makipag-orgy.

Kung kilala namin ang dakilang ina ni Luis Manzano, si Lipa City Representative-elect Vilma Santos-Recto, this utterly cheap controversy doesn’t sit well with her. While her son is a public figure—and so is he—huwag nating kalimutan that even celebrities have the right to privacy.

Tama ba namang pasukin ang kapriba-pribaduhan nang buhay ni Luis, at para ano? What does Keanna  Reeves at kung sinu-sino pa have against Luis? Sirain ang imahe nito, o sirain ang relasyon nito kay Angel Locsin?

Tuloy, pinagtatawanan lang ang katsipan ni Keanna, but it’s least surprising for someone like her who never made it in the business. Buong akala pa naman nang marami ay masaya na ito nang makatagpo kuno ng lalaking seseryoso na sa kanya’t walang pakialam sa kanyang katsipang nakaraan.

Showbiz reality is that marami naman sa mga artista—ke opposite o same sex—have jumped to bed together at one or more points in their carefree, perhaps drug-influenced lives. But the discreet and decent ones leave their trash kung saan naganap ang lahat and treat the whole experience as nothing short of trip-trip lang and not to keep it as a memento they would cherish a lifetime.

Pero itong si Keanna, humihirit pa yata ng isa pa kaya idinadaan sa pag-iingay. Ano nga, Kuya Dan, ang superlative degree ng salitang CHEAP?

ITS IRONIC blurb is that “ang nangungunang noontime show sa gabi”.

Ito ang ipinamamarali ng programang “Barangay Utakan” which airs at 9:30 every Sunday on TV5 hosted by Lourd de Veyra.

As the title obviously suggests, bida rito ang mga opisyal ng iba’t ibang barangay sa bansa battling it out in various fun games. Dalawang barangay ang pagsasabungin as its respective members (kapitan, kagawad, etc.) outcompete one another in at least three exciting rounds.

Medyo may “double entendre” lang ang salitang “utakan” sa pamagat at it may mean either paggamit ng talino or intellectual strategy to win, o pagiging tuso o magulang para talunin ang kalaban. Or both?

One thing’s for sure, Barangay Utakan is assured of long stay on TV. Sa rami ba naman ng barangay sa buong Pilipinas, ‘no! Eh, sa amin sa Pasay City ay meron nang 201 barangays, huh!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleMahusay na aktor, tumanda na sa pangangalakal ng laman
Next articleMichael V, ‘di uso ang kontrata

No posts to display