OH, PAPALAG KA pa, eh, huli ka na nga!
Walang takas sa ating kamerang-gala si Keana Reeves matapos siyang makunan na may kasama na namang batang papa sa isla ng walang katapusang partey-partey, ang Bora.
Clad in super sexy bikini at halos lumuluwa na ang kaluluwa, huling-huli itong si Keana na may kasama na namang hunk na papa.
Pero teka, bakit parang deja vu na? ‘Di ba Madam Keana naparazzi ka na rin dati na may mga kasamang bata?
Baka naman panata mo lang na tuwing nagbabakasyon ka sa Bora, eh, dapat may maka-date kang mas bata na papa? O baka naman sobrang ganda mo lang talaga at hindi maiwasan ng mga macho papa na ma-attract sa mala-dyosa mong mukha?
Parazzi Wires Photo
By Borazzi
Bora Talk