SA OPENING DAY ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sa CCP una namin pinanood ang Sanglaan ni direk Milo Sogueco. It’s all about hope and redemption, very Pinoy ang takbo ng istorya. It looks at a seemingly simple relationship and uncomplicated events happening in a very mundane institution.
Matino ang pelikula, maayos ang pagkakadirek, maganda ang cinematography. Magaling sina Ina Feleo at Joem Basco, bagay sa kanila ang papel na kanilang ginagampanan. Markado ang role ni Tessie Tomas bilang may-ari ng pawnshop. Hindi rin pahuhuli sa husay umarte sina Neil Ryan Sese, Flor Salanga and Jess Evardone kahit supporting role lang.
Sa nakita naming performance ni Ina sa bawat pelikulang ginagawa niya, malayo ang mararating niya as an actress. Kita mo agad, nararamdaman mo ang role na kanyang ginagampanan. Maging si Joem, na-surprise kami, hindi namin akalain magagampanan niya nang buong husay ang role niya bilang seaman na gustong makasakay sa barko.
Tumakbo ang istorya sa pawnshop. Siyempre, ipinakita ang kahirapan, pangarap ng bawat isa, pagbabago at pagsubok kung gaano kahirap ang buhay. Hindi siya mabigat sa dibdib, tamang-tama lang ang timpla. Ipinakita ni direk Milo na may bukas pang naghihintay sa atin. I’m sure, makaka-relate ang audience sa pelikulang ito.
SURPRISINGLY, FULL PACKED ang main theater (CCP) sa dami ng taong gustong manood ng Astig na dinirek ni GB Sampedro. Opening credit palang, impressed na kami. Imported ang dating, makabago ang approach. Pati nga soundtrack nito’y swak sa manonood. The film tells the stories of the tough guys of Manila and their resolve to survive the dirt.
Saludo kami kina Dennis Trillo, Sid Lucero at Arnold Reyes, they gave justice to the role. Maging ang baguhang si Edgar Allan Guzman ay outstanding din ang performance sa nasabing indie film. Parang hindi baguhan kung umarte, ang lakas ng dating. Even Glaiza De Castro is very powerful sa kanyang role, magaling siya.
Agaw-eksena naman si Keanna Reeves bilang prostitute. Natural ang kanyang mga eksena lalo na ‘yung bed scene niya with Arnold, bigay todo talaga! Walang siyang kiyemeng nag- hubo’t hubad habang nakikipagtalik sa actor. In fairness, nakakaarte naman si Keanna, naaliw kami sa kanya.
Kaya lang, comment namin, hindi na dapat umapir pa ‘yung mga kaibigang artista at alaga ni Kuya Boy Abunda, nakaka-distract silang panoorin. Sa ganda ng pelikula at sa husay ng mga artistang nagsiganap, hindi na sila kailangan pa. Well, inisip na lang namin na nagmagandang loob ang mga ito to support Kuya Boy.
Walang dudang kikita ito sa takilya at maghahakot ng awards sa iba’t ibang awards giving bodies dito sa atin maging sa ibang bansa. Congratulations, Kuya Boy!
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield