Keempee de Leon, magda-drama bilang gay sa kuwento ng aming buhay!

SANAY KAMING manood ng mga taping o shooting. For many years, naging bahagi ito ng trabaho namin bilang movie reporter. Pero iba pala ang pakiramdam kapag ang pinapanood mong kinukunan ay ang mga eksena sa sarili mong lifestory.

Naiiyak kami habang pinapanood ang mga dramatic highlights ng aming kuwento nang bumisita kami kahapon sa set ng The Ruben Marasigan Story episode ng Magpakailanman wich will be aired on March 16, Saturday, 8:00 pm, sa GMA 7.  Parang nananariwa ‘yong mga emotional pain na hatid ng mga naranasan naming masa-limuot na mga pangyayari sa a-ming buhay.

Kahit si Keempee na siyang nag-portray sa katauhan namin, tapos na ang take ay umiiyak pa rin. Hindi raw siya kaagad makabitiw sa character right after each scene.

“Matagal na rin akong hindi nagti-taping for a drama anthology na gaya ng Magpakailanman,” aniya nang makakuwentuhan.

“Kumbaga, first drama ko ito for this year. And… maganda. Maganda ‘yong story. Mabigat.”

Ang sinasabi ni Keempee na mabigat ay ‘yong story ng isang gay na natagpuan ang matagal nang hina-hanap na pagmamahal sa isang batang kanyang inampon mula pagkapanganak. Pero nang tumuntong ito ng seven years old ay binawi ng ina para lang pala dumanas ng pagmamaltrato at pang-aabuso.

Nakasanayan na ng viewers na mapanood siya sa gay roles na comedy gaya ng sa Bahay Mo Ba ‘To sa GMA noon at sa Iskul Bukol ng TV 5 dati.

“’Yon nga, eh. Pero itong sa Magpakailanman, drama naman. So, medyo minimal ‘yong comedy dito, eh. Very, very light ‘yong comedy. Pero more on the drama side talaga.”

No’ng ialok siya para sa episode na ito ng Magpakailanman, ano ang unang niyang naging reaksiyon?

“Last week in-offer. Tapos no’ng sinabi na Ruben… kilala ko ‘to, ah! Ano kaya ang istorya? Tapos pinadala ang script, pinag-aralan ko kaagad.”

Sanay na siyang gumanap ng gay roles. May preparation pa ba kapag ganitong papel ang kanyang ipu-portray?

“Actually ang dapat, pag-aaralan mo talaga ‘yong character ng taong ipu-portray mo. At iyon na rin kaagad ang na-visualize ko when I read the script, eh. Na hindi naman nga gano’n ka-loud ‘yong character. Serious side na mapagmahal sa anak. Na… mabait sa pamilya. Gano’n. So… do’n ako maglalaro. Kasi medyo mellow naman ‘yong pagkatao ng character, eh. ‘Yon nga, ‘yong situation na medyo mabibigat.

“Well, ako naman I guess I’ve proven myself sa drama before. Dahil nag-Villa Quintana naman ako dati. May mga soap na rin akong ginawa dati. May mga heavy scenes na rin akong nagawa noon. Pero sa ngayon, for ilang years kasi, na… puro comedy ‘yong ginawa ko, eh. So, when I was offered ito ngang Magpakailanman, grinab ko na rin. Kasi no’ng binasa ko nga ‘yong script, nakita ko kaagad na seryoso ‘yong ano no’ng character at mabigat ang mga situwasyon.

“Maganda. Magandang example. Plus siyempre, may puso, eh. Iyon ang importante. Ako, I go for the story kasi.”

Nakaka-relate naman daw si Keempee pagdating sa anggulong pagmamahal ng ama sa anak. Kasi sa totoong buhay, may anak na siya at teenager na ngayon.

“Siyempre, magulang tayo. Kaya naman tayo nagpapakahirap magtrabaho para sa kabutihan ng anak natin. Kaya sa abot-kaya ng maibibigay natin eh, gagawa at gagawa tayo ng paraan. ‘Di ba?”

Naman!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleEmpress, Jessy and Rhian:
Battle of the March Cover Babes!
Next article“Ang Bugbugan ng Magkasintahan”

No posts to display