Isa pang nasa hot seat sa social media at left and right ang pambabato at pang-iintriga ng mga netizen ay ang cutie na si Ken Alfonso na kabilang sa gaycom (gay comedy) movie ng taon na “That Thing Called Tanga Na” ng Regal Films na nasa direksyon ni Joel Lamangan.
Kasi naman, sa kanyang social media ay ipinost niya noon ng kanyang first ever trip sa USA at ang bakasyon niya recently sa Maldives.
Say ng mga bashers, may beking benefactor daw si Ken kaya can afford siyang bumiyahe gayong maliit lang naman ang kinikita niya para makapagbakasyon siya.
Ang dagdag pa sa tsismis, itong gay benefactor daw ni Ken ang may paandar sa loob ng US Embassy kaya siya nabigyan ng 10 years non-immigrant visa.
Pero may dalawang magkaibang reaksyon ni Ken sa isyu. Natutuwa siya.
“Dahil sa mga negative issues ay nakikilala rin ako at napapansin nila ako. Pero nakaka-badtrip din kasi. Alam mo ‘yun?” sabi niya sa amin nang ma-corner namin siya nina Gorgy Rula of DZRH and Rommel Gonzales of Police Files on his way out of the venue pagkatapos ng presscon ng kanyang pelikula with Kean Cipriano, Eric Quizon, Martin Escudero, Billy Crawford, at ang babaeng-bakla na si Angeline Quinto.
Pero imbes na mag-sintir sa reaksyon ng netizen sa pagkakaroon niya ng US Visa, imbis na ma-bad trip nang husto, naging kabaliktaran ang pananaw niya.
“Sa isip ko naman po, first time ko lang mag-apply ng visa sa US and luckily I got a ten-year visa,” pagmamalaki niya na hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon.
Sagot ng binata na may gay sponsor siya sa kanyang Visa at US trip, walang kaabug-abog na sagot niya sa amin, “Okay lang po ‘yun. Basta ako, nakapunta na ako ng US, bahala na sila kung ano ang iisipin nila.”
Pero sinigurado ni Ken Alfonso at diretsahang sinabi na ang mga akusasyon na may gay benefactor siya ay hindi totoo.
“Wala po, kasi ang mga kasama ko rito, mga barkada,” paliwanag niya.
Si Ken, bago siya pumasok sa showbiz ay may ipon na rin naman siya sa dating work niya sa corporate world.
“Given the fact na nagtrabaho talaga ako, at saka bago ko po binitiwan kasi ‘yung aking work before sa corporate [field], I made sure na meron akong mga back-up na money para sa mga ganitong klaseng buhay.”
Pero kung sakaling mapatunayan na may gay benafator cum lover si Ken ay tila okey lang sa binata. Sabi niya, “Sa totoo lang, sana meron niyan, kasi wala namang masama.”
If ever na may magka-interest na bading sa kanya, ano kaya ang magiging reaksyon niya? Will he grab the opportunity sa tulong na ibibigay ng bading sa kanya?
Walang paligoy-ligoy at direstsahang sagot ni Ken tungkol sa pakikipag-relasyon sa bading kung sakali, “Okay lang naman. Kasi number one, hindi ko naman po mapipigilan ‘yun, kung meron man kung saka-sakali. Number two, nasa tamang pag-uusap naman po, na parang puwede namang barkada or parang maging kaibigan mo. Sa totoo lang, tao lang naman tayo, ‘di ba?”
Sa pagiging honest ni Ken, nagustuhan ko siya lalo.
Reyted K
By RK VillaCorta