UNTI-UNTING NAGIGING hit sa ngayon ang kantang Umaasa na siyang theme song ng pinakabagong Koreanovela ng GMA 7 na The Scret Love. Si Ken Alfonso ang kumanta nito, ang baguhang singer-actor na bini-build up ngayon ng Kapuso Network.
“Before, focused lang po ako sa TV commercials,” ani Ken nang makakuwentuhan namin after na i-launch ang kanyang first single sa Sunday All Stars recently.
“Right now, aside from my first single, kasama rin po ako sa cast ng Dading. I’m playing the role as bestfriend of Benjamin Alves. And okey naman po kahit first teleserye ko pa lang ito. Sobrang masaya po ako. Kasi warm po ‘yong pag-welcome ng lahat especially ‘yong co-actors ko sa Dading at saka ‘yong production staff. Kaya sobrang saya ko po. Parang it’s like a family na rin po kapag nando’n ako sa set. Bago ako nag-start ng taping, nag-undergo po ako ng workshop. And hopefully, maituloy-tulkoy ko rin lang po ‘yong acting workshop.”
Ken is 24 years old and stands 5’ 10”. Graduate siya ng kursong Business Administration major in Marketing sa University of Sto. Tomas.
“I started sa commercial. And sinabi sa akin ni Mr. Jonas (Gaffud, his manager) na… why don’t we try showbiz? Since meron namang opportuinities.”
Marami na rin daw siyang nagawang TV commercials. Kabilang na rito ‘yong para sa isang brand ng paracetamol na kasama niya si John Lloyd Cruz.
“May ginawa rin po akong commercial para sa Solaire. Tapos… singing nga po. And dancing na rin. Medyo konting pahapyaw sa dancing, gano’n!” nangiting sabi pa ni Ken. “I want to be known as a singer-actor. Sa ngayon, ipu-promote ko muna itong first single ko ngang Umaasa. And then hopefully in the future, kapag naging maganda ang resulta ng single ko, then nagpaplano rin po na gumawa ako ng album.”
Very stiff ang competition ngayon sa showbiz. Bilang baguhan, hindi ba siya kinakabahan o napi-pressure?
“Competition naman is always there. Kahit saan naman po tayo pumunta. S, ngayon naman po, parang in a way… iti-train ko lang din po ‘yong sarili ko. And hopefully magkaroon tayo ng magandang penetration sa showbusiness.”
Push mo ‘yan, Ken!
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan