HINDI natin maikakaila na ang tambalang Rita Daniela at Ken Chan o RitKen ang isa sa biggest loveteams ng GMA. Matagal-tagal na rin artista ang dalawang homegrown Kapuso talents nang pagtambalin sila pansamantala sa ‘My Special Tatay’. Ang dapat na special appearance lang ni Rita bilang Aubrey ay minahal ng mga manonood kaya naman siya na ang naging mean leading lady ni Boyet (Ken Chan) and as they say, the rest is history!
With numerous songs, top-rating follow up shows like ‘One of the Baes’ at ‘Ang Dalawang Ikaw’, ngayon nga ay na-achieve na rin ng dalawa ang pagbibida sa isang mainstream movie. At hindi lang basta mainstream movie, ha? It’s included in the 2021 MMFF!
Ang pelikulang ‘Huling Ulan sa Tag-Araw‘ ang unang MMFF film na aking napanood without any expectations. Nanood lang kami ng aking friend dahil love namin sina Rita and Ken. To our surprise, we loved the story, technicalities at s’yempre, ang natural na pag-arte nina Ken at Rita bilang Luis at Luisa.
Sa aming first time na panonood sa loob ng sinehan ng almost two years ay talagang satisfying panoorin ang dalawa. Sa katunayan, naalala namin ang role ni Rita noon sa My Special Tatay dahil halos pareho ang background ng kanilang karakter, but she’s much more better here dahil napatawa at napaiyak niya ako. Bilib din kami sa kanyang pag-awit kaya no winder na nanalo ito ng Best OST, huh!
Certified leading man na talaga si Ken Chan, na habang tumatagal ay lalong guma-gwapo! Mas tamed ang akting niya rito compared to her challenging TV roles, but he delivered well. Ang sarap-sarap niyang yakapin lalo na sa mga eksenang nakahiga sya, huh!
Hindi man nanominate ang dalawa sa Best Actor and Best Actress, para sa amin, sila ang Best Loveteam of 2021! This is just the first step for them in terms of making movies at sure kami na magkakaroon ito ng next project. Sila nga ang bida sa huling December offering ng Regal Studio Presents sa ‘Your House, My Home’. Mother Lily, baka naman!