Ken Chan, isinantabi ang pangarap na maging piloto

Ken-ChanISANG SIMPLENG estudyante sa College of St Benilde si Ken Chan nang madiskober siya para sa isang TV Commercial. Nagkasunod-sunod ‘yun hanggang ipakilala siya kay kuya Germs (German Moreno) at isinali sa Walang Tulugan. Napansin ang husay niya sa hosting, singing and dancing hanggang mapansin na rin siya ng GMA 7 at isama sa mga youth-oriented program ng Siyete at mga drama program din.

Kakatapos lang niya ng Rhodora X at tapos na rin siya as feautured artist sa Maynila sa loob ng 4 na Sabado. Ngayon ay abala siya bilang isang recording artist ng Polyeast Records sa promotion ng first album niyang “Ken”. Pawang magagandang awitin ang nakapaloob sa solo album niya at this early, ang “Dahil Mahal Kita” ay agad nagustuhan ng GMA 7 at sinabing gagamitin sa isang Koreanobelang ipalalabas sa Kapuso Network.

Kung hindi inagaw ng showbiz, nais ni Ken na maging pilot o kahit ano basta related daw sa airline industry. ‘Yun nga lang, dahil sobrang busy niya sa showbiz, isinantabi muna niya ang pangarap na iyon at bigyang-pansin ang hilig niyang umarte, kumanta at sumayaw.

Aabangan si Ken sa kanyang regional mall tour mula sa buong Luzon, Visayas at Mindanao.

Nang tanungin namin siya tungkol sa lovelife niya?

“My family, my friends and my fans ang mga inspirasyon ko sa lahat ng ginagawa ko. Darating din ‘yun at malay natin, isang araw ay may makita na ako para sa akin. Ayokong masaktan kaya dapat hinay-hinay lang. Gusto ko ang babaeng mamahalin ko ay gaya kong tapat at sobra rin kung magmahal,” sey pa ng actor cum TV host cum recording star.

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

Previous articleBeautiful Tambays
Next articlePolo Ravales, inaasam na magka-award sa kanyang indie film

No posts to display