Wala raw munang balak na tumanggap ng mala-“Destiny Rose” na proyekto ang mahusay na aktor na si Ken Chan kahit na nga sunud -sunod ang mga proyektong dumarating sa kanya dahil sa husay niya sa nasabing afternoon serye sa Kapuso Network.
Ayaw raw kasi nitong ma-typecast sa Gay Role kaya naman daw iwas muna siya sa ganitong role . “Ayaw ko at ng GMA na ma typecast sa Gay Role mas gusto ng management na maipakita ko yung versatility ko bilang actor ,
Tsika nga nito sa birthday ni Archie Chua, “‘Yung puwede kong gawin, kahit anong role.”
Dagdag pa niya, “After ‘Destiny Rose’, ang daming pumasok na pelikula na gusto akong kunin, pero ganu’n ‘yung role, mge endorsement na maggaganu’n din ako.
“Pero okey lang sana if may ‘Destiny Rose’ pa, kaso wala na. Pinag-usapan kasi namin ng GMA 7, umupo kami, na ayaw na po nila.
“And ako naman po, mas alam nila eh, mas alam nila kung ano ‘yung career path na gagawin sa akin. So, sinusunod ko po ‘yun. So ngayon po, ayaw po nilang (GMA) malinya sa ganu’ng role, kasi baka ma-typecast daw ako.
“At parang napakahirap na tanggalin si ‘Destiny Rose’ sa akin. Kasi hanggang ngayon, kahit saan ako pumunta, si Destiny Rose pa rin ang nakikita nila sa akin.
“So may techniques po kaming ginagawa, alam ko na hindi ko na ulit magagawa ‘yung ganu’ng klaseng role. Kung magagawa ko man siguro, sobrang matatagalan pa,” pagtatapos ni Ken.
John’s Point
by John Fontanilla