DETERMINADO ANG newcomer na si Kevin Poblacion na maging isang magaling na artista. Katunayan nga, mula nang dumating siya sa Pinas last April, nag-enrol agad ito sa isang acting workshop sa ABS-CBN Star Magic (Basic Workshop). Naging mentor niya si Direk Rhyan Carlos. Gusto ni Kevin na matutunan ang tamang technique in acting. Kinakitaan naman siya ng galing sa pag-arte sa mga exercise na ipinagawa sa kanya ni Direk Carlos.
Nang matapos ni Kevin ang basic workshop last August, agad siyang nag-enrol sa advanced workshop sa ABS- CBN Star Magic for six months (once a week). Para mas lalong ma-improve ang kaalaman niya sa pag-arte at mas ma-develop ang craft as an actor.
Sa Winnipeg, Manitoba, Canada ipinanganak si Kevin. Ang mom niya na si Jean Lopez Poblacion is a registered nurse who works as a private nurse. His dad is Bernardo Poblacion who is working as a custodian at the Burnaby School Board, a government school.
Bata pa si Kevin nang magdesisyon ang mag-asawa mag-migrate sila sa Canada. Bunso sa dalawang anak, si Bryan ang elder brother ni Kevin na ngayon ay nagtatrabaho na sa isang international airline in Canada.
Nag-elementary grades si Kevin for 2 years sa Iloilo City para matuto siyang magsalita ng Ilonggo. After that, bumalik siya ng Canada para tapusin ang high school at kolehiyo. Nang magbalik-Pinas sila for a family reunion, kinausap ni Kevin ang parents niya rito muna siya sa Pinas para tuparin ang kanyang pangarap na maging artista. Pinayagan naman ng mag-asawang Jean at Bernardo si Kevin to pursue his dream to become an actor. All out support ang ibinigay ng parents nito sa kanya.
Enjoy si Kevin sa buhay at lifestyle niya rito sa Pinas. Marami siyang nadi-discover about his roots. Nagkaroon siya ng group of Pinoy friends. Sabi niya, “I am proud to be a Filipino-Canadian. People here are so friendly. Gusto kong malaman ang kultura ng Pilipinas. Mapuntahan ang mga magagandang lugar dito sa atin,” say niya.
Nagtrabaho si Kevin sa A&W fastfood restaurant in Canada. Iniwanan niya ito para tuparin ang kanyang pangarap na maging artista. Nagtapos siya ng kursong Tourism at Flight Attendant Course sa Canada Tourism College sa Vancouver, British Columbia, Canada.
Aside sa acting workshop, plano rin ni Kevin na kumuha ng voice lesson dahil hilig din niya ang pagkanta at pagsayaw. Dibdiban din ang pag-aaral niya ng Tagalog bilang paghahanda sa gagawin nitong teleserye sa GMA 7. Ang balita nga namin, makasasama siya sa bagong drama series na Little Nanay with Ms. Nora Aunor, Eddie Garcia, at Bembol Roco sa direksyon ni Ricky Davao.
Dream come true para kay Kevin na makasama ang Superstar sa isang TV show. “Yes, she’s a great actress and I am proud to be part of the project and thanks to GMA 7. Sobrang happy ako dahil first appearance ko on TV, si Ate Guy ang makasasama ko. I’m so excited sa first taping ko. I wish magawa ko nang tama ang character na ipo-portray ko. I want to be a serious actor someday. Kung sakaling magtuloy-tuloy ang showbiz career ko, first priority ko ang trabaho para naman hindi nakahihiya sa mga taong nagbigay sa akin ng chance and support to be part of showbiz circle,” say ni Kevin.
Bukod sa soap na gagawin ni Kevin sa Kapuso Network, may indie film din siyang sisimulan with Direk Adolf Alix. Palibhasa determinado sa propesyong kanyang napili, kaya naman hindi nahirapan ang binata na magkaroon agad ng TV at movie project sa tulong ng kanyang manager na si Boy Palma na very supportive sa alaga.
Ready na kaya si Kevin to face the camera? “Yes, kahit kinakabahan ako sa first taping day. Kailangang pag-aralan kong mabuti ‘yung role na aking gagampanan. Even the dialogue, kailangang mong i-memorize na maigi para ‘pag binitiwan mo ‘yung lines, dapat with feelings para maramdaman ng viewers ‘yung character na pino-portray ko,” pahayag ni Kevin Poblacion.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield