KAILAN LANG, KUMALAT ang balita na diumano si Kian Kazemi ay bading daw, ayon sa mga nakabasa ng kanyang Facebook. Nagladlad na raw ng kapa ang guwapong actor. Ni-reveal na raw nito ang tunay niyang pagkatao. Nang lumabas ang issue na ‘yun, hindi na raw ma-contact ang binata. Palaging naka-off ang cellphone, cannot be reached. Nagtago na raw ang young businessman at ayaw magpa-interview.
Sa birthday presscon ng Star Magic, personal naming nakausap si Kian para linawin ang gay issue tungkol sa kanya. “Na shock nga ako, nagdi-drive ako nang tinawagan ako ng kaibigan ko na nakabasa sa Facebook. Naghanap ako ng internet café sa EDSA para i-check kung ano ‘yung nakalagay du’n. Nakalagay du’n, ‘after a long years in showbiz finally comeout … single and ready to jingle’. English pa ang pagkakasulat. Siyempre nagulat ako, pinagtripan ako, gawain kasi ‘yan ngayon. Kunwari, naiwan mong bukas ‘yung computer or laptop mo, may mga kaibigan kang kung ano ‘yung nakita nila puwedeng kalikutin ‘yun. Kaya nga, agad kong pinalitan ‘yung password ko at tinanggal ko ‘yung dati. Ngayong na-experience ko ito, naging maingat na ako. At saka, gusto ko lang linawin na never akong nagtago o umiwas sa issue. Nawala ang cellphone ko kaya hindi ako ma-contact,” paliwanag ni Kian.
Sa pangyayaring ‘yun, hindi maiiwasang pagdudahan ang pagkalalaki ni Kian. At the sametime, makaapekto kaya ito sa kanilang family business (Persia Grill)? “Okey lang. Kasi, komportable naman ako sa sarili ko. Kilala ko ang sarili ko, hindi ako nahihiya kahit may ganu’ng issue na lumabas sa akin. Hindi naman totoo so, bakit ako magpapaapekto, ‘di ba? Sa business namin walang nabago, labas-pasok ang mga taong kumakain sa amin. Maganda ang pasok ng year 2010 para sa amin. Hindi makaaapekto sa business, kasi aahon ‘yung tunay na kulay. Lalabas ‘yung totoo, ‘yun ang feeling ko,” tsika pa ni Kian na abala sa kanyang pagho-host ng travel show na Trip na Trip at sa teleseryeng Habang May Buhay ni Judy Ann Santos na dinirek ni Wenn Deramas.
BALAK PALANG IBENTA ni Jommy Teotico (first Ultimo Participante ng Pinoy Fear Factor) ang house & lot (Cavite, Molino) na napanaluhan. Hindi raw practical para sa kanya dahil napakalayo nito sa Metro Manila. ‘Yung cash money worth 2 million na napasakamay niya, 25 percent nito’y inilagay niya sa negosyo.
“Ngayon sa mga events ako nag-invest, this March pa lang kami mag-i-start. May mga tao kami pero may group pa rin na nag-invest du’n. Dati nasa buy & sell ako ng kotse. Tinigil ko, kasi kulang sa oras. Siyempre, kailangang i-meet mo ‘yung client, kung minsan wala kang oras dahil nasa taping ka,” say niya.
Kung hindi mo kilala nang personal si Jommy, sasabihin mong may pagka-weird ang binata. Mahilig kasi itong magbasa ng Daily Bread aside from working out, billiards at swimming na normal niyang ginagawa. Right now, busy si Jommy sa upcoming shows na Your Song, Precious Romances: Midnight Phantom with Pokwang at Habang May Buhay. Last January 21, nag-celebrate ng kanyang 26th birthday ang binata sa Enchanted Kingdom kasama ang kanyang pamilya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield