Kidlat Tahimik: Father of Philippine Independent Cinema

GEDSC DIGITAL CAMERA GEDSC DIGITAL CAMERA GEDSC DIGITAL CAMERAMANUNULAT, FILM director at aktor ng pelikula at karaniwang nauugnay sa Third Cinema si Kidlat Tahimik. Ito ay kilusan sa pamamagitan ng kanilang kritiko ng neocolonialism. Kabilang dito ang Plaridel honorarium para sa Independent Cinema. Ang tawag sa kanya ng kapwa filmmakers at kritiko ay ‘Ama ng Philippine Independent Cinema’. Nag-aral siya sa University of the Philippines at naging miyembro ng Student Council. Nag-aral din siya sa University of Wharton School of Pennsylvania at tumanggap ng isang Master sa pangangasiwa ng isang negosyo.

Narito ang aking panayam kay Kidlat Tahimik.

Karangalan ko na mainterbyu ang isang tulad mo, kasi kayo ang kauna-unahang indie filmmaker at tinaguriang ama ng indie films. Ang gamit ninyo noon ay 16mm film pa. Ah, ano po ang kaibahan noon sa video?

“Ah, hindi video, film pa ang ginagamit ko pa noon. ‘Yung 35mm, ‘yun ang ginagamit sa sinehan, ‘yung 16mm ‘yun ang ginagamit sa indie film!”

Mas ok ba ngayon ‘yung digital, mas malinaw-linaw o paano?

“Siyempre may sentimental value sa akin ‘yung 16mm filmmaking, then time after time and ‘yung technology, siyempre finally nag-surrender na rin ako.”

Tinanong kong muli kay Kidlat kung nakatago pa ‘yun?

“Ah, oo. Kaso kasi gusto ko pang mag-shoot eh, wala na ‘yung mga Kodak company, eh.”

Ay… ‘yun ang magiging problema natin?

“Siyempre, like any other technology.”

Nakilala ka noon internationally, anong inilaban mo? Paano ka nakilala?

“Ah, hindi ako sumali para lumaban. I just joined a festival para magkaroon ako ng cold audience. ‘Yung mga audience na hindi ko kilala. Kasi, kung kakilala mo, sasabihin, ‘ay pare ang galing… ang ganda!’ So, I had this cold audience, so nakapasok ako sa Berlin Film Festival noong 1977.”

Sa palagay mo, nakilala ka ba dahil sa andoon ka sa Sagada? ‘Yung mahaba ang buhok mo at bigote mo, tapos ‘yung suot mo?

“I came from Baguio. Iyong suot ko kasi na bahag, it’s a symbolic advocacy, eh. Iyong kultura ng ating mga lolo at lola eh, dapat na maipreserba. Kasi sayang at napakaganda ng kultura ng Pilipinas. While we are trying to be an American idol (with an American accent).

“Kanya-kanyang style ‘yan. Pero, sinabi ng mga Amerikano, ‘ay panget ‘yang mga bahag ninyo… panget ‘yang mga suot ninyo… lahat-lahat panget’. So, sa ganu’n nako-colonize ‘yung minds ng mga Pinoy. With that, they allow Western culture dito sa atin.”

Sa ngayon nagpapatuloy pa ba kayo?

“Oo, pero me mga ipinakita lang ako. May award lang ako. Ito Gawad Balanghay.”

Ah, tinanong ko kung marami ang mga naibigay na award sa kanya na mga trophy internationally?’\ Yung mga advocacy ninyo ay paano ninyo ito maipagpapatuloy? Siyempre ‘yung iba merong sponsor. Ang NCCA ba eh, nagbibigay, sarili mo o may private companies?

“Ah, parang mayroon nang automatic drive ‘yung mga ginagawa ko. ‘Yung pelikulang ginagawa ko eh, 35 years ko nang ginagawa. Parang bahay na unti-unti kong tinatapos.”

Lumalabas na kapag nagkataong lumabas ka, nagustuhan nila at nagustuhan mo rin, doon nagkakaroon ng agreement?

“Basta sa akin it’s a different concept of film na hindi sa film na may twist o ganon. Parang pressure cooker na kunin mo agad, isalang mo para luto na agad. Kasi kung hindi, parang sex and violence lang ang mga gagawing pelikula, eh. And, since wala pa akong particular topic. And since, wala namang magpi-finance sa akin about the Ifugaos, I will leave it with my own faith. Kung one year o 5 years.”

Dagdag pa ni Kidlat, “Siyempre, maski papaano, kung gusto mong ipursige, mangyayari. It’s not always money that’s needed in this world.”

Tugon ko ay, basta ‘yung sa ‘yo parang full of idea, malalim. Maraming salamat.

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.

 

Para sa ano mang komento ay mag-e-mail: [email protected] Cp. 09301457621

Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia

Previous articleSyer Syer Sa EFBI 09/22/14
Next articlePaulo Avelino & Bea Alonzo: Sweeter Than Chocolate!

No posts to display