Halos lahat, kung hindi man karamihan sa mga baguhang singer, isa si Martin Nievera sa mga nasa listahan nila na mga “idol” nila sa pagkanta, tulad sa newcomer na si Kiel Alo na talent ng kaibigang Jobert Sucaldito.
Isang 23 years old Marketing Management graduate from PSBA Manila si Kiel na na-discover ni Jobert sa isang birthday party.
Bukod kay Martin, idol din ni Kiel sina, Gary Valenciano, Janno Gibbs, at Ariel Rivera.
Sa international artists naman, idol niya sina Eric Bennet, Luther Vanross, Stevie Wonder, and Labyrinth (na isang rock band kung hindi ako nagkakamali).
Galing sa Pinoy Idol ng GMA Kapuso Network si Kiel na mas nabigyang-pansin ang singing career ng bagong balladeer nang i-manage ni Jobert.
Sa recent launch-concert niya as an artist recently sa Music Box sa Timog Ave sa Quezon City, sinuportahan si Kiel ng “kapatid” niyang si Michael Pangilinan at ni Marion Aunor.
Sa almost two months na career ni Kiel under Jobert’s Front Desk Entertainment Production and Talent Management, na aside from Michael, kabilang din sina Prima Diva Billy (now temporarily based in Dubai to fulfill a singing stint) and #Hastag Nikko Seagal sa mga talents ni Jobert. Si Kiel ang latest addition sa mga alaga nito.
Sa absence ni Michael sa show ni Marion last night, naging substitute si Kiel to fill-in sa slot ni Michael.
“Masaya po ako. Kasi hindi na rin po iba sa akin si Michael. Kahit kapatid po kami sa manager lang, ang tingin ko na sa kanya ay parang totoong kapatid na rin, parang kay Nikko rin po. Kaya kung makatutulong po ako sa kanya sa kahit sa ganu’ng paraan, gagawin ko po. Saka si Marion din po kasi, noong launching concert ko, nag-guest siya. So parang give back na rin po sa kanya at pasasalamat,” pagkukuwento ni Kiel sa FB chat namin kanina.
Sa show last night, bawing-bawi ang audience nang ipamalas ni Kiel ang sarili niyang version ng Martin Nievera song na “Kahit Isang Saglit” at ang kanta ng Nexxus Band na “I’ll Never Go” na ni-revive naman ni Erik Santos recently.
How will Kiel describe his kind of music-performance? “My music speaks for itself po. I make sure that the feelings will reach its listeners po. The love, pain, sacrifice, despair ng isang kanta. Pero I’m so in love now with heart broken songs,” paliwanag ng baguhan sa kanyang mensahe sa amin sa Facebook.
Dream performance ni Kiel ay makasama sa isang etablado ang idol niyang si Martin Nievera na kakantahin nila ang song na “Ikaw ang Aking Pangarap”.
Isa rin sa pangarap ni Kiel ay mapabilang sa Sunday show na ASAP ng Kapamilya Network.
For the past two months under the management of Jobert (on October 21), masasabing malayu-layo na rin ang narating ni Kiel.
Talented naman si Bagets. Konting hasa pa na witness kami sa performance niya last night sa show ni Marion.
Goodluck, Kiel! You’re in good hands, basta behave and always be a “pro” ano man ang sitwasyon without alibi. Focus on your career na nasimulan. Tama ba, Jobs?
Reyted K
By RK VillaCorta