Zero pa rin daw ang love life ni Kiko Estarada at wala pang muling nagpatitibok ng kanyang puso after na mag-break sila ng kapwa Kapuso na sina Barbie Forteza at Kim Rodriguez.
“Wala, pero okey lang naman. Pahinga muna, pagod pa. Tsaka takot munang magmahal. Ganu’n talaga, ‘pag mahal mo ‘yung isang tao, tapos nawala, mapapagod ka rin at mato-trauma sa nangyari.”
Hindi raw nito itinatago na na-trauma siya sa kanyang past relationships.
“I mean ‘yung mga bagay na nangyari, parang ayaw mo nang ulitin ‘yung ganu’n, kaya takot ka nang magmahal ulit.”
So ayaw mo nang ma-in love ngayon? “Hindi naman siguro. ‘Wag muna ngayon. Gusto kong magtrabo nang magtrabaho lang at gusto ko na mas mapaganda ang career ko. Ang focus ko kasi ngayon, pagbutihan ang trabaho ko para manalo ng award at para mas maging magaling na artista.”
At kahit break na ay willing pa rin itong makatrabaho ang kanyang mga ex na sina Barbie at Kim.
“Oo naman. Why not? Dalawa silang maganda at magaling na artista, at siyempre minahal ko ‘yung mga ‘yun.”
‘Di ka ba maiilang? “Hindi naman siguro, kasi humble naman silang dalawa at mabait. So, I dont think na magkakailangan kami. Tsaka pareho namang maganda at maayos ‘yung mga paghihiwalay namin, kaya okey kami ngayon. Were all friends, and minsan nakauusap ko pa rin naman sila, nagkukumustahan.”
Kris Lawrence, wish na manalo ulit sa Star Awards for Music 2016
“Sana manalo ulit ako sa Star Awards for Music for Best RnB Album and Artist.” Ito ang pahayag ng mahusay na RnB singer na si Kris Lawrence nang makausap namin sa Cali Burger sa Timog Ave., Quezon City.
Dagdag pa ni Kris, “If ever na papalarin ako, pangalawang beses ko nang mananalo sa PMPC Star Awards for Music for same category.
“Pero sa akin kasi, if ever na ‘di naman ako papalarin ngayon, okey lang. Kasi, equally magagaling din naman ‘yung ibang nominado. Tsaka ‘yung na-nominate lang ako malaking bagay na sa akin ‘yun, blessing na sa akin ‘yun.”
Excited na nga raw si Kris na dumalo sa darating na Star Awards for Music na magaganap sa October 23 sa Novotel sa Cubao, Quezon City.
John’s Point
by John Fontanilla