AYON kay Kiko Estrada, isa sa mga bida ng pelikulang Walwal, naging komportable siyang kaeksena sa pelikula ang nanay niyang si Cheska Diaz.
“Sobrang dali niyang kaeksena. It’s so easy, sobrang natural niyang tao, sobrang galing niyang aktres.
“You know what, one of her biggest strives before, kasi nung nabuntis ako natigil na yung career niya, eh. Pasikat na siya non, eh. Pinapasikat na siya ni Mother Lily (Monteverde), pero dumating ako. Kumbaga, ngayon parang tinutuloy ko yung pangarap niya,” simulang kuwento ni Kiko sa amin.
Patuloy ng binata, “My mom took care of me, took care of my family, take care of my brother and my sister. Ginive-up niya lahat para sa amin, yung pangarap niya na pagiging aktres. Ginive-up niya para sa amin yon, so nakakataba ng puso.”
Ibinahagi ni Kiko ang isang eksena nila ni Cheska sa Walwal na hindi niya raw talaga makakalimutan. Hindi raw nila ni-rehearse ang eksena kaya nagulat siya ng bigla itong sabihin ng ina.
Sabi raw ni Cheska sa eksena, “Ikandado mo yang zipper mo, huwag gumaya sa lahi ng ama mo na mga babaero.”
“Siyempre nagulat ako. Kasi half-meant siya, eh. Natawa ako kasi sobrang natural lang nung bato niya, eh, alam mo yon. Nagulat ako kasi usually, kami ng nanay ko nagre-rehearse kami. So yung eksena na yon hindi namin ni-rehearse at hindi namin pinag-usapan.
“Pero in real life, never yon sasabihin ng nanay ko sa tatay ko. Kaya nga tingnan mo yung last name ko sa birth certificate ko – Ejercito. Hindi niya ako pinagkait sa tatay ko.
Dagdag pa ng binata, naiyak din daw siya sa eksena dahil naramdaman niya ito.
“Sobrang umiyak talaga ako non, pero hindi nakita ang luha ko kasi wide shot siya. Pero niyakap ko yung nanay ko kasi naramdaman ko talaga yung nanay ko.”
La Boka
by Leo Bukas