BIDA NA agad sa kanyang ikalawang pelikula pa lang si Kiko Matos, sa Mumbai Love, isang cross cultural romantic comedy na opening today, January 22, sa mga sinehan.
Leading lady niya rito si Solenn Heussaff, na in fairness, nang mapanood namin ang pelikula noong premeire night, “fresh-freshan” ang beauty niya rito. Pinabata at lalong gumanda sa big screen.
Unlike past films ni Solenn na ang roles na napupunta sa kanya ay medyo on the seductive or sexy part, pero rito sa “Mumbai Love” ay kikay-kilig moments ang makikita n’yo sa alaga ni Leo Dominguez.
As for Kiko naman, first film nga niya ang Babagwa last year sa Cinemalaya 2013 kunsaan siya introducing, pero rito sa ‘Mumbai Love” ay bidang-bida siya.
Hindi lahat ng mga baguhang artista ay nabibigyan ng ganitong bonggang-bonggang opportunity, at nagpapasalamat si Kiko sa tiwala sa kanya ng new producer na Capestone Pictures, headed by Neil Jeswani and Minco Fabregas, anak ni Jaime Fabregas.
“I’m so thankful to our producers and siyempre po, kay Direk Benito Bautista, Ms. Emma Francisco and the team, for this trust in me to play Nandi,” banggit ni Kiko tungkol sa kanyang role bilang isang Indian na na-in love sa isang Pinay.
Kasama rin sa cast ng Mumbai Love sina Jayson Gainza (na hataw ang pagka-aliw ng role niya rito), Martin Escudero, Raymond Bagatsing, and introducing Romy Daryani.
For your comments, e-mail us at [email protected]
Mellow Thoughts
by Mell Navarro