Kiko Rustia kontra kay Pen Medina, patuloy na ina-advocate ang covid-19 vaccine

Leo Bukas

PATULOY na ina-advocate ng dating Survivor Philippines contestant and Born to be Wild host na si Kiko Rustia ang halaga ng COVID-19 vaccination kahit sinalungat siya ng veteran actor na si Pen Medina tungkol dito.

Si Kiko ay kumakandidato ngayon sa pagka-Konsehal sa Unang Distrito ng Pasig at nag-file ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) noong October 7, 2021. Kapartido ni Kiko ang incumbent mayor ng Pasig na si Mayor Vico Sotto.

Mayor Vico Sotto and Kiko Rustia

Si Medina ay hindi naniniwala sa kahalagahan ng pagsusuot ng face mask at pagpapabakuna para makaiwas sa nakamamatay na covid-19 virus. Hinamon pa niya si Rustia ng isang debate over “forced coronavirus vaccinations.”

“So hinanap pala ako ni Pen Medina sa FB. At nag-comment sa post ko about vaccine information. Hinahamon ako sa debate tungkol sa bakuna. Eto lang ang sagot ko. Hindi siya doktor para maging reliable resource person sa bagay na ito,” caption ni Kiko sa ipinakitang screen grab ng convo nila ni Pen.

“Uulitin ko lang — si Pen Medina ay isa sa pinaka magaling na artist sa teatro at telebisyon. Isa sa mga tinitingala ko sa sining. Pero ang kanyang pinaninindigan tungkol sa COVID-19 at mga bakuna ay isang bagay na di ko susuportahan. Mask up. Get vaccinated. Save lives,” diin pa niya.

Noong nakaraang buwan ay ibinahagi rin ni Kiko ang Facebook post ng Bureau  of Communications Services na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang COVID-19 vaccines na available sa bansa.

Ang naturang post ay muling tinutulan ni Pen at muling iginiit na ang face masks ay hindi epektibong panlaban sa virus. Dito na rin niya hinamon ng debate ang TV personality.

Hindi naman pinatulan ni Kiko ang imbitasyon ni Pen.

Kiko Rustia

Giit niya,  “I support vaccines and the science behind it. I support the doctors and health care workers in the frontlines advocating it. As someone who got COVID, I know that it’s real. And pinagdadaanan ko pa din ang after effects ng sakit na yon.

“I will continue to support vaccines, I will continue to share and promote factual, peer reviewed science and data I gather, and I continue to advocate vaccination… para na din sa mga nasaktan at namatayan dahil hindi nabakunahan or tumanggi sa bakuna.

“I still respect you as an artist sir Pen, but I’m afraid I can’t respect your opinion because lives are at stake,” pahayag ng future Konsehal ng Pasig.

Nagpadala ng iba’t ibang dubious website links si Pen pero hindi na ito in-entertain ni Kiko.

Previous articleKapag palubog na ang bangka: ‘You can’t expect everybody to stay in the boat, to stay with you’ – Direk Lauren Dyogi
Next articleMarco Gumabao inamin ang tungkol kay Ivana Alawi

No posts to display