KIKO RUSTIA: THE SCENIC COLOR OF HIS NATURE

NAGKATAONG NAKITA KO si Kiko Rustia sa loob ng compound ng GMA-7 ng nakaraang Survivor Philippines at alam ba ninyong may dala-dala itong kamera at hilig talaga niya ang photography, bagay na isa siya sa host  ng “Born To Be Wild”  ng GMA-7. At ayon sa kanya ay papitik-pitik siya. At talaga namang hilig niyang umakyat ng bundok at pagmasdan ang likas na kagandahan ng kalikasan kaya may baon siyang kamera.

‘Yung nakaraang Survivor, ‘di katulad nu’ng sa inyo. Bale nakuha ka sa TV, mayroong show. ‘Yung iba parang walang naging career. Ano ba… dahil sa dami o tipo-tipo lang?

“I think ah, lahat naman kami nabigyan ng pantay-pantay na pagkakataon. Siguro its a matter of ‘yung taong ginusto talaga nila. Ako nabigyan ako ng pagkakataon na gawin ‘yung Born To Be Wild. Nu’ng nabigay sa akin ‘yun, gusto ko eh, kaya pinanindigan ko kaya tumagal. ‘Yung iba hindi ko naman alam ang saloobin nila, pero it’s possible na nasubukan nila, nalaman nilang may burden or what.

“Kasi basically lahat naman kami, isa lang ang pinagsimulan eh, in terms of  exposure. Siguro its a matter of ano lang talaga kung sino ‘yung nag-career. Ako nahiligan ko. Suwerte rin lang naman ako na naibigay sa akin ‘yung Born To Be Wild. ‘Yun ang naging ugat ko sa industriya. So sa palagay ko, ‘yun nga ang naging umpisa ko. Hilig ko naman talaga eh, outdoors. Mahilig ako sa hayop. Talagang kumbaga eh, buong-loob kong tinutukan.”

Yeah, ah, nu’ng kelan lang narinig ko lang o nakita sa TV, bale sa ibang bansa nagkaroon ka rin ng pagkakataong mag-model. “Ahhhh… sa Bennetton po. Ano naman po ‘yun sobrang bles-sings talaga na masasabi kong it’s such an honor to represent the country, kasi ako lang po ‘yung kaisa-isang Pilipino.”

Makulit nga siya. Pero binayaran ka rin?  “Ano po ‘yun, sa model may allowance po kami. Hindi po kasi kami exclusive sa kontrata sa kanila. So hindi kami bayad as an exclusive model, wala kaming lockout. It’s more of they gave us a chance to experience something different and represent the brand that promotes uniqueness.”

Ah, parang Filipino environmental… “Ah… ako ‘yung parang naging ganu’n.”

Is it because of your attire? “Yeah, ganu’n. Hindi nga nila akalain, ang sabi nga nila eh, from the jungle to the concrete jungle, eh. Pero thankful ako na dahil sa industriyang ito nagagawa ko ‘yung gusto ko, mag-travel mag-drive, umakyat sa bundok, pumasok sa kuweba. ‘Yun palang… sobrang gratitude na.”

Nang libre? Nak’s itong si Kiks low profile lang kahit lagi nasa bundok ng adventure. Okey ‘yan Kiko, malawak pa ang mapupuntahan mo sa pinasok mong industriya. “Nagpapasalamat ako sa network na ‘to na nabigyan ako ng pagkakataon.”

May asawa ka na? “Wala pa po.” Talagang tama lang ‘noh? Kasi mahirapan kang habulin, kung saan-saan ka hahagilapin, hehe. “Oo, pero I have a kid. Ah, ‘yung lahat ang priorities ko, eh. Yung mga responsibilities ko mabayaran.

Mapaaral ang anak ko. Mabigay ang gusto n’ya. So thank God. Oo, naman, siya rin ang nagpa-plan n’yan, eh. Saka lahat ng nangyayari sa tao, lahat ng nangyayari sa buhay eh, may dahilan, planado lahat ng Diyos ‘yan.”

Okey itong si Kiko Rustia. Alam ninyo bilib ako sa taong earth-friendly, malapit ito sa kalikasan ganon din sa mga hayop at sa Poong Maylikha. Siyempre sa kapwa rin tao kaya. Go, Kiko! kung gaano kalawak ang pinupuntahan mong kalikasan at dito natututo ka sa mga karanasan. Tiyak ko mahaba ang trabaho mo sa kinalalagyan mong industriya.

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.


For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleMaglalagablab na ang mga Bulaklak!
Next articleSari-saring Kain!

No posts to display