Kilalang diva na na-link, umamin din kaya?
Monique Wilson, ibinandera na ang katomboyan!

PINAG-USAPAN NANG husto ang pag-amin ni Monique Wilson na isa siyang tomboy.

Sa totoo lang, matagal na ‘yang alam sa showbiz, pero siyempre hindi naman binubunyag bilang respeto na rin kay Monique.

Hindi naman niya ‘yan itinatago sa mga kaibigan niya at naging open pa siya sa karelasyon niya.

Napag-usapan na rin noon ang pagkakaroon niya ng sakit na blood cancer, pero hindi lang ito gaanong lumaki. Kaya napag-usapan uli dahil naisabay sa isyung katomboyan.

Basta naging totoo lang sa lahat, walang masisira sa ‘yo at lalo kang mamahalin ng mga tao.

Pero depende rin naman siyempre sa status mo sa showbiz.

Merong ibang artista na hindi talaga puwedeng aminin at masira nga ang pantasya sa kanila ng mga supporters nila.

Kaya okay lang na hanggang paduda lang at tahimik ka lang pagdating sa gender issue mo.

Ang dami kaya diyan, pero tahimik lang sila. Kung magmahadera kang bikingin sila, isipin n’yo na lang ang nangyari sa akin, ‘di ba?

Hay, naku! Ayoko na nga, tahimik na nga ako kahit marami pa akong naririnig.

Balik na lang uli tayo sa isyung katomboyan ni Monique, ang sinasabi lang ng iba, baka maungkat na naman ang ilang kilalang personalidad na na-link sa kanya.

Ayoko mag-mention ng pangalan, ‘no! Pero ‘di ba na-link sa kanya dati ang isang kilalang diva? Pero tahimik lang si Diva kahit pinagdudahan din ang kasarian niya noon. Aamin din kaya siya?

Abangan na lang natin.

MUKHANG PASOK na pasok na raw sa Ms. Saigon ang ibang Kapuso stars natin na nagpa-audition nu’ng last week.

Ilan daw sa pinagpiliang maging Kim ay sina Rachel Ann Go at Frencheska Farr.

‘Di ba ang daming pangalang naglabasang nagpa-audition at pasok sa unang round. Pero hanggang du’n lang, hindi na umabot sa final list.

Kaya malaking karangalan ito sa Kapuso Network kung pasok sina Rachel Ann at Frencheska, dahil talagang dito nakikita kung gaano ka-talented ang mga Kapuso talents, ‘no!

Ang dinig ko pa, malakas din si Aicelle Santos ng La Diva na makapasok na gaganap ng ibang karakter.

Ayaw muna nilang magsalita sa ngayon dahil wala pang final announcement na inilabas ang grupo ni Cameron Mackintosh.

Pero malakas ang pag-asa naming lahat na makapasok sila, at malaking karangalan ito sa ating bansa hindi lang sa GMA 7, ‘di ba?

Bilib na bilib nga raw ang production staff ng Ms. Saigon sa dami raw ng magagaling na singers dito sa atin.

Abangan na lang natin ang announcement nila, kaya ayaw munang magsalita sa ngayon nina Rachel Ann at ng ibang mga nakapasok.

MAMAYANG GABI na pala magsisimula sa GMA Telebabad ang Pahiram ng Sandali nina Dingdong Dantes, Lorna Tolentino, Max Collins at Christopher de Leon.

Mapapanood ito pagkatapos ng Aso ni San Roque, at excited ang lahat dahil ang taas ng expectations nila rito na matinding drama ito.

Kahit si Lorna naman excited din dahil gustung-gusto niya ang script.

Abangan natin itong

lahat!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleRachelle Ann Go at Frencheska Farr, bagong Kim sa Miss Saigon?
Next article Wala raw problema sa kanila
Rayver Cruz, itinangging break na sila ni Cristine Reyes

No posts to display