IN A RECENT event kaugnay ng kanyang Metro Manila filmfest entry, makalawang beses sinambit ni Maricel Soriano ang salitang “magpakatotoo” as her way of coping with the case that involved her former helpers.
“Generic” ang sagot ni Maricel nang ungkatin ang generic ding tanong tungkol sa kanyang pinagdaanang pagsubok, but ob-viously, ang tinutukoy ng press was the alleged verbal and physical abuse na dinanas umano nina May Cachuela at Camille Acojedo on the night of June 29, 2011 sa mismong tirahan ng aktres sa Rizal Tower sa Rockwell, Makati City.
Hindi sinipot ni Maricel ang magkasunod na hearing na ipinatawag sa Bara-ngay Poblacion ng naturang lungsod, nothing was heard of since then kung naiakyat na ba sa korte ang kaso sa ikatlong pang-iisnab ng aktres, o nagkaroon na ng settlement with the alleged victims.
Both Cachuela and Acojedo have since remained silent, maging ang batikang brodkaster na si Mon Tulfo to whom their complaint was reported ay nanahimik na rin.
Mabigat ang nais ipakahulugan ni Maricel with the word “magpakatotoo” which she uttered twice, ibig lang ding sabihin na sinungaling ang kanyang mga dating kasambahay who had accused her of verbally as well as physically abusing them.
But on this assumption, bakit hinintay pa ni Maricel na magkaroon ng entry sa MMFF to come forward and indirectly say na siya ang “nagpapakatotoo,” and that her accusers were merely peddling lies? Kilalang prangka si Maricel, one who speaks her mind kesehoda kung sinuman ang masasagasaan, pero bakit sa pagkakataong ito when she has to clear her name ay pa-tweetums siya?
Of course, we all know that with age comes maturity… but Maricel’s pa-sweet image—for which she’s not famous—is nothing but a mask too late for a Halloween treat.
MAS KILALA BILANG aktor si Coco Martin, but he makes a conscious effort to entertain his audience through his mini-concert.
Rarely does Coco get the chance to perform abroad, ito’y dahil na rin sa dami ng kanyang mga trabaho rito. Kaya naman kung may pagkakataon din lang na makapagtanghal sa ibang bansa, kung saan mainit na tinatangkilik ang TFC (The Filipino Channel), ay sinusulit ni Coco ang kanyang performance.
“’Di ba, karaniwan, mga dalawa hanggang tatlong kanta lang ang pinapaunlak ng mga artista? Ako, umaabot mula pito hanggang siyam na kanta. Ang akin kasi, naglaan ng oras ang mga kababayan natin para panoorin kami. Eh, kelan pa uli ‘yon masusundan? Kumbaga, paraan ko rin ‘yon para pasalamatan sila, hindi ko naman kasi maaabot ang estado ko ngayon kung hindi dahil sa suporta nila,” sabi ni Coco sa kanyang belated birthday get-together (hindi siya nagdaos ng selebrasyon noong November 1).
Like a token of gratitude, hinanapan talaga nila ng kanyang manager na si Biboy Arboleda ng bakanteng iskedyul para makaharap ni Coco ang entertainment press, although the actor was admittedly scared of how he would answer the questions intelligently, “Kasi baka may masabi akong mali.”
Samantala, his only three years with ABS-CBN have showered Coco with blessings more than he has expected. He will star in his fourth regular teleserye, ang Walang Hanggan, opposite Julia Montes in 2012. The first three gave him numerous recognitions, lalung-lalo ang Minsan Lang Kita Iibigin for his portrayal of a dual role.
No wonder, ang bagong bansag kay Coco ay “King of Teleserye”. So, would he consider sharing equal status with Piolo Pascual and John Lloyd Cruz in the serious acting department?
“Ay, hindi po. Nirerespeto ko po silang dalawa bilang kaibigan at aktor. Mananatili akong tagahanga nila, na para sa akin ay mabuting merong mga taong tinitingala ko para pagkunan ng inspirasyon,” mapagkumbabang pahayag ni Coco.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III