BUONG-BUO RIN ang suporta ni Kim Atienza kay Anne Curtis sa pinagdaraanan ng actress ngayon. “One hundred one percent ang support ko kay Anne. I text her everyday and I talk to her everyday just to tell her na nandito lang kami. Mabait na tao si Anne. She’s my inspiration in everything that I do.”
“Ang sense of charity ni Anne, matindi. Ibang klase kung tumulong ‘yan at hindi nagpapa-media ‘yan. Ginagawa niya nang sarili niya ‘yan,” say pa ni Kuya Kim.
Nawi-witness daw niya mismo kung gaano kaganda ang pagkatao ni Anne. Aniya, “Alam n’yo ba on her free time, nagpupunta sa mga ospital ‘yan at bumibisita ng mga batang may sakit na walang nakaaalam. Nalaman ko lang dahil ‘yung isang binisita niya, ni-request si Kuya Kim dahil fan pala ng Matanglawin. Pumunta ako roon. And I found out that Anne was visiting that hospital at least four times a week hanggang sa mamatay ‘yung bata. Hindi naman niya kaanu-ano. Kabait na tao.”
Kaya raw even lumabas ang isyung kinasangkutan ni Anne, wala raw nabago sa pagtingin niya sa co-host dahil kilala nga niya ang aktres na isang napakabuting tao.
Samantalang sa ngayon, fully-recovered na si Kuya Kim matapos siyang ma-confine kamakailan dahil sa rare disease na Guillain-Barre Syndrome na sad to say na hanggang ngayon, pinag-aaralan pa raw ng mga doctor kung saan nagmula at paano magagamot. Pero dahil sa bagong gamot na kanilang natuklasan na malunggay dietary supplement , isang natural herbal medicine. Mistulang milagrong bumalik ang kanyang sigla na parang nawala at nagamot ang wala nang lunas niyang sakit. Nagpapasalamat si Kuya Kim sa Diyos na binigyan pa siya ng pangatlong buhay.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo