ISA AKO SA excited sa pag-guest ng Ateneo at La Salle sa ASAP this coming Sunday. Bakit ‘ka n’yo? Aba’y first time nga bang magkikita sina Kim Chiu at ang player ng La Salle na si Simon Atkins? Kasi nu’ng minsang nakausap ko ang basketbolista, sa Twitter lang daw sila nakakapag-usap ng host/actress at hindi pa sila nagkikita nang personal. Ganun?
Sige na nga, naniniwala na ang Sports Bizz kay Atkins. Ano nga ba ang gagawin nina Atkins at Joshua Webb, at ng dalawang player ng Blue Eagles sa ASAP. Well, puwedeng kumanta sila, o sumayaw. Let’s wait and see kung anong ipagagawa sa kanila ng producer.
Laking pasasalamat ng ASAP sa pagpapapayag sa mga players ng dalawang sikat na team sa UAAP bagama’t on going ang tournament. Actually mahigpit ang kinauukulan ng Ateneo at La Salle, salamat kina Mr. Edwin Reyes, athletic sports director ng La Salle, gayundin kay Coach Dindo Pumaren, asst. coach Jack Santiado at sa mga players. Thanks din kay Mr. Ricky Paolo na siyang athletics director ng Ateneo, team manager Paolo Trillo, at coach Norman Black sa players ng team. Maraming salamat talaga sa inyo.
Speaking of Simon Atkins, medyo na-rattle yata si Atkins sa laro nila against Ateneo. Medyo hindi maganda ang ipinakita ng mama sa game, kaya ang resulta luz valdez ang Green Archers. Pero sabi nila, babawi sila kahit anong mangyari sa muling paghaharap nila ng Blue Eagles.
WELCOME NAMAN KAY KG Canaleta na maglalaro na sa kampo ng Barangay Ginebra. Matagal nang pangarap ni Canaleta na makapaglaro sa kanyang favorite team. Posibleng sa game ng Gin Kings ngayon ay nakasuot na ng uniporme ng Ginebra si KG. “Ang sarap ng feeling, kasi matagal ko nang gustong makapaglaro sa Ginebra at sa pagkakataong ito, God answers,” ani niya.
Pero pang ilang team na ba ito ni Canaleta? Nagsimula siya sa Air21 Express, then nalipat siya sa Purefoods, then balik siya sa Air21, at ito na ang pinakahihintay niya, ang Barangay Ginebra. Good luck!
MARAMI NAMAN ANG naghihintay kay Alvin Patrimonio kung kailan siya magko-coach ng isang team. Actually, matagal nang ini-offer ng Mapua Cardinals kay Pa-trimonio na pangunahan nito ang kanyang alma mater, ang Mapua. Subalit parang dedma lamang kay Alvin ang offer ng Mapua management.
Ayon kay Alvin, parang hindi pa time para maging head coach siya ng school, mukhang mas enjoy si Alvin as team manager ng team ng B-Meg at nag-aayos ng kontrata ng mga players nila. Pero sayang kasi, nandiyan na si Jerry Codiñera na kasabayan na head coach ng UE Warriors, Dindo Pumaren sa La Salle Green Archers, Vergel Meneses para naman sa Jose Rizal University, at Eric Altamirano sa National University. Kailan kaya si Alvin Patrimonio magiging head coach?
PANAWAGAN NAMAN SA lahat ng mga players na nais makapaglaro sa PBA D-League, ito na ang pagkakataon n’yo. Magkakaroon ng try-outs ang koponan ng PC Gilmore sa pangunguna ni coach Richard del Rosario this coming Friday sa ganap na alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali. Sana malalaki ang dumating at mahuhusay. Good luck sa PC Gilmore.
Any comment and suggestion, e-mail: [email protected]
Malou Aquino
Pinoy Parazzi