HINDI NAMIN alam kung maiinis kami sa pinanonood namin o sa sarili namin. Hahahah! Nakakalokah talaga ‘yang Minute To Win It ni Luis Manzano, huh! Nakaka-delay ng work. Imbes na me nagagawa kami sa umaga, nakatutok na lang kami ‘pag umpisa na ng 60 seconds sa bawat game.
Hanggang sa ‘eto na nga, inimbitahan na kaming sumali sa game show ni Luis. At hindi na kami nagdalawang-isip. Aba, choosy pa ba eh ‘eto na nga ‘yung opportunity na makaranas na maglaro para naman mas maintindihan namin ‘yung damdamin ng bawat contestant na natataranta dahil sa isang minutong napakaginto para sa kanila para hindi ma-eliminate sa game at makaakyat hanggang P1M.
Pero pasensiya na kung hindi muna namin mape-preempt sa inyo ‘yung naging karanasan namin sa Minute To Win It, ha? Basta ginawa naman namin lahat ang paraan para makaakyat sa pang-ilang level, kaya sana, ‘wag n’yo na ‘kong sabihang “Ang tanga-tanga mo naman, Ogie. Para ‘yun lang, hindi mo pa nakuha!”
Eh, kayo man ang lumagay sa sitwasyon namin, juice ko, nakakataranta talaga. Sabayan pa ng audience na kung minsan ikaiirita mo, dahil andaming suggestions at parang alam na alam ‘yung game kung makasigaw.
Hahahaha! Basta abangan n’yo na lang, ha? Ipapakita naman ‘yon kung kelan ‘yon, eh.
NUMBER ONE ngayon sa primetime ang Ina, Kapatid, Anak. Juice ko, sa totoo lang, ‘yung time slot na ‘yon, “gold na gold” talaga ang dating. Dahil aminin, galing sa timeslot na ‘yon ang number one and phenomenal teleserye Walang Hanggan, ‘di ba?
Ang highest rating na alam naming nakuha ng Walang Hanggan noon ay 47% na hopefully, mapantayan o maungusan ng Ina, Kapatid, Anak. Intense na intense na rin ang mga eksena sa IKA. Katunayan, fast-paced na rin ang bawat eksena, tulad ng sa Walang Hanggan.
Honestly, tinututukan na rin namin ito, dahil gustung-gusto namin ‘pag me confrontation scene sina Theresa at Beatrice at sina Margaux at Celine. Isang episode nga, sinabihan ni Margaux si Celine ng, “Boyfriend stealer! Friendship wrecker!”
Na agad naming itinwit, tapos, react to death ang mga followers namin sa twitter. Hahahaha! Sabi nila, parang kung sa tunay na buhay raw, si Kim ang magsabi no’n kay Maja. Me gano’n?
Hay, nako… sugat pa rin ‘yan ngayon, pero pasasaan ba’t maghihilom din ang sugat na ‘yan. At sana, mabuo uli ang kanilang friendship.
Sa Feb. 4, malalaman na ang isa pang rebelasyon. Na kung babasahin namin ang trailer, parang kambal pala sina Maja Salvador at Kim Chiu. Hindi nga lang sa pag-uugali talaga. Hahahaha!
IN FAIRNESS, fast-paced na rin ang Kailangan Ko’y Ikaw nina Robin Padilla, Anne Curtis at Kris Aquino, huh! Mahusay at malinaw ang latag ng kuwento. Na-establish lahat nang maayos ang bawat character. Pasaway palang kapatid ni Kris si Anne. At si Robin ay isang pulis.
Sana, ma-maintain nila ‘yung bilis ng takbo ng kuwento na walang kainip-inip. Wala pang talbugan sa akting na nagaganap sa pagitan nina Kris at Anne at ‘yun ang inaantabayanan ng mga fans.
Si Robin, in fairness, mas guwapo siya ngayon kesa nu’ng araw.
Ano kaya’ng ginawa ng kumareng Mariel Rodriguez ko?
Oh My G!
by Ogie Diaz