SA MGA fans ng tamba-lang Kim Chiu at Xian Lim, ‘wag n’yo munang madaliin ang dalawa na maging magdyowa, dahil ang totoo, ine-enjoy muna nila ang company ng isa’t isa.
Minsan kasi, “sakit” na ng ibang fans, lalo na ng diehard talaga, ang wala pa man ay pinangu-ngunahan na agad ‘yung pagsasama ng kanilang idolo.
Nakita lang na magkasama sila kung saan, o silang dalawa lang ang kumakain, nagwa-one plus one equals two na agad sila.
Tapos, ang nakakalokah pa nyan, ‘pag umiba ng direksyon si Kim o si Xian, nagagalit na ‘yung ibang fans du’n sa isa na kesyo hindi raw ipinaglaban ang pag-ibig.
Nako, natural na ‘yan sa mga fans. Nagagalit sila ‘pag nababalitaan nilang may ibang kinahuhumalingan ang isa sa loveteam na iniidolo nila.
‘Pag loveteam, usually, ang kawawa ay ‘yung lalaki, lalo na ‘pag nabalitaan nilang me ibang nililigawan ito, dahil ookrayin nila yon dahil “inapi” ang idol nilang girl na kalabtim nito.
Hay nako, naging fan din ako, pero bukas lagi ang isip ko sa anumang tatahaking buhay ng idol ko.
At sa mga hindi nakakaalam: Aga-Janice fan ako nu’ng araw. Hehehe.
SUPER THANKFUL sa amin si Tita Helen Gamboa, dahil nga sa nangyaring pagdampot agad namin sa kanya nu’ng bumagsak siya sa stage pagkatapos barilin si Marco Montenegro (Richard Gomez sa engagement party nila ni Dawn Zulueta sa Walang Hanggan) ay hindi sinasadyang napalakas ang jerk ni Goma, kaya nahawi nito si Tita Helen na nasa likuran niya that time, kaya napaatras at na-off balance ang beteranang aktres, kaya nahulog ito sa stage nang patalikod.
Kami kasi ang nasa backstage bilang alalay ni Doña Margaret, kaya nakita agad namin siyang parang tumilapon.
“Juice ko, Ogie, alam mo that time, napapikit na lang ako at alam mo ‘yung feeling ko, me sumalo sa akin, kaya hindi tumama ang ulo ko at itong likod ko lang bale ang napuruhan!”
Ipinasalat pa sa amin ni Tita Helen ang umusling buto sa kanyang likuran at sabi raw ng doktor sa kanya ay ba-balik din ito sa dati, pero hindi na siya puwedeng magpuyat nang magpuyat.
Iyak nang iyak si Tita Helen habang nakayakap sa amin at thank you siya nang thank you sa amin.
Ang sabi lang namin sa kanya, “Kahit sino ang nasa posisyon ko, Tita Helen, tutulungan ka!”
“Hindi, Ogie! Ikaw ang nagpalakas ng loob ko habang nakayakap sa akin.”
Love namin si Tita Helen. Kontrabida man ang role niya ay sa tunay na buhay, napaka-generous sa maliliit na tao.
Oh My G!
by Ogie Diaz