Very successful ang isinagawang painting exhibit ni Xian Lim sa Japan last week.
Nakabalik na ang aktor galing Osaka, Japan para sa “2664 KM.” exhibit niya, kung saan hinangaan ng mga Japanese ang artworks niya.
Kaya naman ganu’n ang title ng art exhibit, dahil daw ‘yun ang distance between Manila and Osaka, kung saan bukod kay Xi ay may kasama siyang lima pang Pinoy contemporary artists na isinagawa sa YOD gallery na pag-aari ni Ryutaro Ishigami.
Dumating ang magandang break kay Xian as a painter nang makita ng may-ari ng gallery ang artworks niya sa nakaraang Philippine Art Fair na isinagawa noon sa Makati.
Inimbitahan si Xian ng may-ari ng gallery para mag-exhibit na para sa isang tulad niya na nagsisimula pa lang sa art scene, it’s a rare chance and a great opportunity na hindi na niya pinalampas.
Naikuwento rin ni Xian na ang kanyang art subject ay ‘yung tipong hindi magugustuhan ni Kim, dahil ang gusto diumano ni Kim ay art pieces na sobrang colorful at masaya.
Ayon sa aktor at artist, “‘Yung mga subjects ko kasi it’s not really flowery, hindi siya gano’n, eh. Ang subjects ko more on renaissance stuff you see on museums, kasi si Kim ayaw niya ‘yung mga nakatatakot, ‘yung mga walang mukha, ayaw niya ‘yung may tumutulo sa mukha,” kuwento ni Xian.
Sa pagbabalik niya after his successful art exhibit, patuloy pa ring gagawa ng kanyang mga obra ang aktor ayon sa kanyang istilo at moods.
Para sa fans at supporters nila ni Kim, don’t worry daw dahil, okey na okey pa rin silang dalawa at going strong ang kanilang “relationship” na hindi lang nila masyadong naisi-share sa kanilang fans na sumusunod sa kanilang social media accounts at ang photos na kuha nila tuwing nagtatagpo sila on dates ay hindi na lang nila isini-share.
Sa kanilang dates lately, palagi silang nagda-dine out ni Kim sa Chinese restaurants, tambay at hang-out kung saan-saan at manood ng movies.
Yes, sina KimXi, happy ang relasyon at going strong. Basta, hayaan na muna natin silang mag-enjoy sila in the company ng bawa’t isa at malayo sa intriga.
Reyted K
By RK VillaCorta