Kim Chiu, ‘di pa rin kayang magpatawad!

“MADALING MAGPATAWAD, mahirap makalimot.”

‘Eto ‘yung noon pa’y gasgas nang linya o cliche na narinig uli kay Kim Chiu nang mag-guest ito sa The Buzz nu’ng Sunday kaugnay ng kanyang birthday celebration.

Totoo naman ‘yon talaga. Pero kami ay naniniwala na kung wagas ang kaligayahan ngayon ni Kim kay Xian Lim ay hindi na siya magkikimkim ng sama ng loob sa tao.

Sa puntong ito’y talong-talo si Kim. Baket? Eh, kasi, sa tuwing naaalala o ipinapaalala kay Kim sina Maja Salvador at Gerald Andreson, naiiyak siya. Masama pa rin ang loob niya.

Para sabihin ni Kim ang kanyang tunay na nararamdaman, pinupuri namin siya. Ibig sabihin, hindi siya plastik para itago ang true feelings niya.

Pero kung masaya na siya sa bago niyang “lovelife” (na hindi pa nila inaamin nang bongga ni Xian), ba’t kailangang mag-entertain pa ng “sama ng loob”?

‘Yan lang yata ‘yung tanim na hindi umaani ng maganda, bagkus umaani lang ng wrinkles, ng pag-iwas sa mga taong ayaw makasalubong o pag-usapan.

Ang alam namin, hu-mingi na ng tawad si Maja, pero ‘yun nga, hindi pa rin handa si Kim na magpatawad.

Kaya nga bilib kami dito kay Kim, eh. Kaya niyang pagsabayin ang “sama ng loob” at “saya ng puso.”

YOU CANNOT please every body. Totoo ‘yan. Kaya nga sa Twitter, ‘pag sinasabi naming susuportahan at iboboto namin itong si Grace Poe bilang Senador, as usual, present na naman ang bashers sa pang-ookray.

Like ano raw karapatan ni Grace maging senadora eh, anak lang daw naman ito ni FPJ?

Na kesyo ginagamit lamang daw nito ang ama para makapa-ngalap ng boto.

Kalokah nga ‘tong mga ‘to. Anong problema du’n, eh tatay niya naman niya ‘yon? Tatay n’yo ba ang binabanggit ni Grace? Kahit sabihin n’yo pang ginagamit lang ni Grace si FPJ, eh ano naman ngayon? Tatay n’ya ‘yon, hindi n’yo tatay, okay?

Hahahaha! Nagalit bigla ako, huh! Hahahah!

Hay, nako… kahit sabihin n’yo pang naging chairman lang ng MTRCB si Madam Grace eh, sa pamunuan niya galing ‘yang SPG (Striktong Patnubay At Gabay), kaya nagiging aware ang mga adults para subaybayan ang mga nanonood nilang anak sa tele-bisyon.

Doon pa lang ay mararamdaman mo nang malaki ang malasakit ni Grace sa pamilya, sa magulang, lalo na sa mga anak.

“’Wag mo ‘kong papahiyain, ha?” paniniguro nga ni Ms. Susan Roces.

“Opoe, makakaasa poe kayo!” me ganyang pangako rin si Grace Poe sa ina.

 

HINDI ANG apelyido niya ang nagpakilala sa kanya bilang Marion Aunor, kungdi ang pagkakasali at pagkakapanalo bilang second runner-up sa songwriting competition Himig Handog P-Pop Love Song para sa kanyang composition na “If You Ever Changed Your Mind”.

Nakakatuwa nga ang madir niyang si Lala Aunor na asikasong-asikaso sa birthday ng anak na nag-concert din ang dalaga sa Amber Bar and Lounge sa The Fort last week.

Maganda pala talaga ang boses ng batang ito, mana sa kanyang titang si Nora Aunor at inang si Lala. Official recording artist na rin siya ng Star Records at bago matapos ang April ay released na ang kanyang album.

Kaya naman sa kanyang birthday mini-concert ay present ang managing director ng Star Records na si Roxy Liquigan at iba pang staff ng ABS-CBN at ang fave composer niyang si Vehnee Saturno. Makakasama rin siya sa world tour ng Be Careful With My Heart, kaya haping-happy si Mommy Lala na kung matatandaan n’yo pa ay miyembro noon ng “Apat Na Sikat” na sina Dondon Nakar, Arnold Gamboa at Winnie Santos.

Kung hindi n’yo naabutan ‘yan, ibig sabihin, matanda na talaga kami. Hahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleMahigit isang buwang ‘di na raw nagsasama
Claudine Barretto at Raymart Santiago, totoong hiwalay na?!
Next articlePinoy Parazzi Vol 6 Issue 55 April 24 – 25, 2013

No posts to display