MULING nagviral sa social media ang cat remark ni Kim Chiu sa isa sa mga episodes ng It’s Showtime noong Disyembre. Dahil dito ay in-address ng Kapamilya actress ang nasabing isyu noong Lunes, January 24, sa pamamagitan ng Twitter.
Sa “Madlang Pi-Poll” segment ng It’s Showtime noong December 6 ay nagreact si Kim Chiu sa isa sa mga options sa katanungan patungkol sa mga noise distrubances sa gabi. Isa sa mga options ay ang mga pusa na nag-iingay sa bubong tuwing gabi.
Sambit ni Kim, “Nakakainis ‘yun, ‘no? ‘Yung gusto mo sabuyan ng mainit na tubig kasi maingay.”
Sa episode ay nagreact ang mga hosts na sina Vice Ganda at Vhong Navarro na kawawa naman ang mga pusa kung gagawin ‘yun sa kanila.
Sa naturang segmnent din ay humingi ng paumanhin si Kim at against siya sa animal cruelty.
Pero ang kumakalat na video ngayon sa social media ay edited as if hindi humingi ng paumanhin si Kim. Dumarami tuloy ang negative comments patungkol sa host.
Kahit na sinabihan na ito ng kanyang team na huwag nang magsalita patungkol sa isyu, hindi napigilan ng aktres na ipost ang kanyang saloobin.
“I really want to remain quiet on this, because this was a month or 2 months ago. I cleared this already, RIGHT AFTER saying those words, and asked for apology same day same segment, coz I know that I will never do it and cleared that its not really ganun.
“But the thing is Social media or that person who posted it, opted to cut the part where I was saying my apology and explain my side that same episode. But as usual some marites will really choose to see the bad on that situation, Ganun naman minsan sa atin.
“Mas gusto ng karamihan palabasin kang Super mean, yung diin na diin.. kahit wala ka naman ginawa ‘pa’. Para kanang ginawa na masama sa mata nila. that’s the sad part. Pero kung may ginawa kang maganda hindi mashado papansinin. Pag masama.. ‘happy fiesta!’But oh well. Ganun sa atin eh.
“Again for things to be clear hopefully, (for the 2nd time after two months) Pasenya na po to all animal lovers, I didn’t mean to say those words, nor do those actions.Parang wala sa panahon ngyon ang gagawa ng ganun.Wag na natin palakihin pa, dahil wala naman talagang nasaktan.
“I hope I made myself clear. I hope this ends here.” pagtatapos ni Kim Chiu.