ANO KAYA ang reaksyon ngayon ng mga bashers ni Kim Chiu sa ginawa ng Star Records at ng singer-actress na i-record at gawing kanta ang kontrobersyal na naging pahayag niya noon about “sa classroom may batas” sa online protest ng mga Kapamilya stars sa Facebook Live kaugnay ng ABS-CBN shutdown.
Aba, eh, trending at viral ang bagong kanta ni Kim na may title na Bawal Lumabas (The Classroom Song), huh! Imagine, in less thand 24 hours ay meron na itong halos 2 million views sa Youtube.
Yung negatibong nangyari sa buhay ni Kim these past few daws courtesy of her bashers ay ginawa niyang positibo. Hindi niya hinayaang lamunin siya ng poot at galit at mas pinili niyang mag-move-on. Napagkakitaan pa niya ito.
“Yes, I am back! Your teacher sa classroom. Eme lang! Nagsara muna ako ng puso at isipan ko because of what happened.
“Siyempre maraming mga tao ang perfect. Echos lang! Pero, aaminin ko, hindi naman ako magla-lie to each and everyone, I was really down the past few days. As in super down, pinakamababa pa sa basement ng parking lot pero siyempre kapag may problema hindi mo dapat tinatambayan ‘to kaya doon tayo sa option na move forward.
“Ang mga problema sa buhay, ‘yan ang magpapatatag sa karakter ng isang tao siyempre sa mundo, ang daming temptations, ang daming taong makakasakit sa ‘yo pero it will teach you how to grow, how to be yourself.
“Wala naman tayong ibang kakapitan kundi sarili lang natin at dahil diyan, itinigil ko ang social media, itinigil ko ang lahat ng makakapasok sa akin siyempre kontrolado mo naman ‘yung emosyon mo, kontrolado mo kung ano ‘yung papasukin mo,” lahad ni Kim.
Pinasalamatan din ni Kim ang mga taong nagsalita ng masasama sa kanya.
“Okay lang ako. Kung sinuman ‘yung mga nagsalita ng masama sa akin okay lang, gusto ko lang din magpasalamat dahil sa inyo nag-trending ‘yung pangalan ko. Ha-ha-ha. Salamat sa atensyon na ibinigay n’yo sa akin at least napasaya kayo, di ba.
“Sa social media naman nandoon ‘yung happiness and sadness. So pili ka lang kung anong gusto mong path, ‘yung masaya o malungkot. Nu’ng time na ‘yun, malungkot ako kasi mabigat talaga, hindi ko in-expect na kayang magsalita ng mga tao ng ganu’n hurtful words grabe!
“Paggising ko, ‘yung mga tao pinagtawanan ‘yung sinabi ko at ako rin, honestly natawa rin, sabi ko, ‘shocks hindi ko naintindihan talaga ‘yung sinabi ko’ kaya pala hindi ako binoto ng mga kaklase ko kapag ako ang pinagde-debate nila ganu’n talaga ako,” natatawa niyang pahayag.
Patuloy ni Kim, “Oh well, past is past. It’s done and now nandito na tayo ngayon sa another chapter and I want to make things negative into positive kasi ang dating taong malungkot ngayon so dahil bawal lumabas na-enjoy naman nila ‘yung words ko, napasaya ko sila.”
Ayon pa kay Kim, sobrang na-appreciate niya ang pagdamay ng mga kaibigan nung panahong nasa lowest point siya ng kanyang buhay. May nakilala din siyang tao na nag-uplift ng kanyang spirits.
“Ayaw ko na humawak ng phone, pero nu’ng time na nagbukas ako ng messages hindi social media, ‘yung mga boss ko sa ABS-CBN, ‘yung sa Star Magic, sinend nila ‘yung open letter ng taong ‘to, concerned siya sa akin kahit hindi kami magkakilala.
“Nilatagan niya ako, parang binuhat niya ako at nilagay niya ako sa kabilang side na ‘wag kang mag self-pity, ‘wag mo i-doubt ang sarili mo. Punta ka dito sa kabila tingnan mo, maraming gold dito.
“Sa ginawa mo hindi mo ba alam maraming sumaya, ganyan. So this time, pinahanap ko siya at gusto kong magsabi ng thank you for picking me up from my lowest,” kuwento ng dalaga.
Ang tinutukoy ni Kim sa kanyang vlog ay si Adrian Crisanto, ang nag-post sa Facebook ng open letter para sa kanya.
Samantala, si DJ Squammy ang bumuo ng awiting “Bawal Lumabas.” Ayon sa kanya ay naiintindihan niya kung ano ang pinagsasabi ni Kim at gusto lang niyang pagandahin ang sinabi nito habang pinagkakaguluhan siya ng bashers.
Kung noong una ay nalulungkot siya kapag pinapanood na pinagtatawanan ng netizens at bashers ang naging pahayag niya sa “law ng classroom” ngayon daw ay natatawa na lang siya dito.