KAHIT PINAGDUDUDAHAN ANG pagkalalaki ni Marcelito Pomoy, taas noo niyang sasabihin, “Lalaki po talaga ako!” Nagbo-boses babae at lalaki (doble-kara) kasi ang Pilipinas Got Talent Season 2 grand winner kaya marami ang nag-aakalang may pusong babae ang magaling na singer. Hindi siya apektado sa mga intrigang ibinabato sa kanya. Bagkus, naging daan pa nga ito para maging matatag sa hamon ng buhay.
Makulay ang naging takbo ng buhay ni Marcelito. Very inspiring sa masang Pinoy ang pagsasadula ng kanyang true-to life story sa Maalaala Mo Kaya kamakailan lang.
Buong-pusong ibinahagi ni Marcelito sa publiko ang mga pagsubok na dumaan sa kanyang buhay. Kahit may bigat sa dibdib na dinadala, hindi naging hadlang para maabot niya ang pinapangarap na tagumpay mabigyan lamang ng magandang kinabukasan ang pamilya. Kahit kumplikado at hindi magkasundo ang dalawang pamilyang ginagalawan, pilit pa rin niyang inuunawa na sana’y dumating ang araw na magkasundu-sundo ang mga ito.
Ayaw munang isipin ni Marcelito ang personal niyang problema sa pamilya. Gusto niyang mag-focus sa pagkanta at maging artista kung bibigyan ng pagkakataon ng Star Cinema. Dream pala ng binata maging leading lady si Kim Chiu at maging action star tulad nina Robin Padilla at Ronnie Ricketts.
HINDI NAMIN AKALAING may chemistry ang first team-up nina Kim Chiu at Jolo Revilla sa teleseryeng My Binondo Girl. Ang lakas ng impact sa manonood nang mapanood namin ang one week episode ng nasabing primetime show sa SM North. Maganda ang naging reaction ng mga fans sa kanilang dalawa. Nagtitilian ang mga tao sa loob ng sinehan tuwing may nakakakilig na eksena sina Kim at Jolo.
Nang makausap namin si Jolo, tinanong namin siya kung may chance na ma-develop ang kanilang friendship sa ngayon. “Walang imposible, puwedeng mangyari pero napakaaga pa para magsalita ako tungkol sa bagay na ‘yun. Right now, focus muna ako sa work, saka na muna ang lovelife. Mas enjoy ang pagiging single, walang nagbabawal. Happy na ako with my son at sa takbo ng career ko,” masayang sabi ni Jolo.
First time din namin napanood si Ai-Ai delas Alas sa isang teleserye as in straight drama. Tipong dinidibdib niya ang character na ginagampanan bilang ina ni Kim. Tingin nga namin, kina-karir ang pagiging best actress sa mga dramatic scenes nila ni Cherry Pie Picache. Gusto sigurong patunayan ng Comedy Queen na hindi lang siya magaling na comedienne, magaling din siya sa drama at may karapatang maging Best Actress sa iba’t ibang award-giving bodies.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield