KIM CHIU unleashed the fan in her when she publicly showed how ardent of a Taylor Swift fan she is.
Kim was caught fangirling at Taylor Swift’s Red Tour concert recently and unabashedly showed na talagang solid fan siya ni Taylor.
Pinuno ni Kim ng Taylor Swift photos and videos ang Instagram account niya. Sising-sisi nga si Kim nahindi siya nakahabol sa meet and greet for Taylor dahil sa traffic.
“#taylorswift fan mode on!!!!! thanks @ususero and thank you #taylorswiftviaAirAsia wasnt able to make it sa meet and greet coz of traffic.. huhuhu but its ok!!!! hahaha see you in a bit ate taylor!!! #happinessoverload,” say ni Kim.
Nakunan ng larawan si Kim na talagang nagpilit na mahawakan ang kamay ni Taylor nang lumapit ito sa audience.
“OMG!!! im speechless!!! got the chance to hold her hand twice!!! will post the vid tom!!
haha i love you taylor swift!!!! thank you #taylorswiftviaairasia and netty @ususero for making this possible!!! #happinessoverload #redtour #amazing,” say niya.
MAY BAGONG business si Cristina Decena, ang solar energy panel na gagawin niya para sa isang subdivision sa Bulacan.
May na-meet si Cristina na businessmen na nag-invite sa kanya na tingnan ang solar panel business. Dumayo pa ng China ang businesswoman para lang makita ang kagandahan ng ganitong klaseng bahay na pinagagana ng solar panel.
“Siyempre malaking responsibilidad sa tao at sa bansa natin. Kaya lang siyempre, ‘yung makapagbigay ka ng maraming trabaho, makakapag-paaral ka ng maraming bata ay nakakatuwa ‘yun, eh. Marami tayong matutulungan dito kasi magiging exclusive distributor ako rito sa Pilipinas,” chika ni Cristina sa launch ng kanyang solar energy business kasama ang mga kasosyo niya.
Bilang panimula ay magsisimula muna siya sa Luzon, tapos sa Cebu, Davao and Mindanao.
“‘Pag pinuntahan mo ang kanyang solar energy company sa Shanghai ay parang sa isang buong araw ay hindi mo malilibot. Meron siyang mga tube, mga crystal na roon naiimbak ‘yung solar energy. Sabi ko, hindi muna natin ’yan pupuwedeng gawin sa Pilipinas dahil it will cost us a lot. Ang maganda siguro ay i-import muna natin. Open naman sila roon. ‘Pag nakita namin na maganda ang resulta ay saka lang kami magtatayo ng planta rito,” chika ni Cristina.
Bilang pang-tanggal ng stress ay tuloy pa rin ang Business Flight show ni Cristina sa GMA-7 every Sunday, 9 a.m. May second season ito next month.
“Siyempre natutuwa ako kasi hindi ko iniisip na papasok ako sa ganito, ‘yug magho-host ka. Nakakatuwa, kasi pagkatapos ng mga stress, pagkatapos ng mga trabaho ay parang nagiging libangan dahil alam mong magsi-shoot ka, magpapakilala ka ng successful na mga tao,” say pa ng businesswoman.
Lex Chikka
By Alex Brosas