PERHAPS AS HER way not to displease her Kimerald fans, napaka-safe ng sagot ni Kim Chiu sa tanong – if and when she would fall in love – kung sino ang kanyang pipiliin: isang Filipino (Jolo Revilla), isang Chinese (Xian Lim) o isang Italian (Matteo Guidicelli).
“Lahat naman po kasi sila, mababait, eh. Pero si Jolo po ‘yung galante, siya po kasi ‘yung dala nang dala ng Siomai sa set,” all giggles, Kim is referring to her, as well as Jolo’s, Xian’s and Matteo’s, comeback primetime drama, ang My Binondo Girl.
Komento ni Tita Ethel Ramos, “All three are a good catch,” patungkol sa tatlong love interest ni Kim. ‘Di pa kuntento si Manay Letty Celi, “Pero Kim, sino sa tatlo ang ‘aanuhin’ mo dahil silang tatlo naman, eh, matatabang isda?”
‘Di pa rin napapawi ang hagikhik ni Kim, “Ang hirap naman pong sagutin kung sino sa kanila ‘yung ‘aanuhin’ ko. Saka parang may ibig pong sabihin ‘yung matatabang isda.” Hmmm, kebata-bata, nilagyan na ng malisya ni Kim ang mga salitang ‘yon? Eh, palibhasa naman kasi si Manay Letty, brutal magtanong!
But Kim acquits herself well. Halatang hindi pa nako-corrupt ang kanyang isip sa mga bagay na may kaugnayan sa kamunduhan.
MAMAYANG GABI NA ang pagtatapos ng Minsan Lang Kita Iibigin, about 75% of which ay tinutukan namin at gunpoint.
Noong una kasi ay hindi naging interesante para sa amin ang pambungad ng teleseryeng ito ng ABS-CBN, na sa aminin man ng produksiyon o hindi, it had to undergo a reshoot para kabog ang maging dating ng trailer pa lang nito. Inakala kasi namin that it was some kind of a hardcore military versus NPA story minus the dramatic backdrop, kundi palitan lang ng literal na putukan much less an impassioned trade of irreconcilable socio-political ideologies.
Pardon the prejudgment, pero ang MLKI na – in a long time – ang pinakamaganda, pinakamakabuluhan at pinakapinaggugulan ng talinong teleserye sa kasaysayan ng local TV. In hindsight, nagsimulang umere ang MLKI noong kasagsagan ng pag-iimbestiga ng Senado sa mga umano’y katiwalian sa AFP, mostly involving the highest of men in uniform.
Kung paanong MLKI was able to “skirt” the issue sa paraang itinataguyod pa rin nito ang integridad ng mga heneral ay makikita’t mararamdaman sa mga karakter nito, without compromising the cause of their fight against the leftist group. This is where real drama sets in, marrying complicated family issues that need to be resolved.
Hindi na kami magtataka kung sa susunod na EnPress at Star Awards For TV ay mahahamig ng MLKI ang mga nominasyon, if not a runaway winner from the minor to the major categories. Let MLKI serve as a “peg” sa mga susunod pang family drama on TV, a call of challenge that both GMA and TV5 must heed.
KUWENTONG “LINGUISTIC” (LENGGUAHAN as in katomboyan) ang hatid ng episode ngayong Biyernes ng Face To Face na pinamagatang Jowang Tomboy Ni Bunso, Hinalikan Ni Ate Kaya Nang Maalimpungatan, Idinaan Ang Galit Sa Kagatan!
Bangayan ito nang bonggang-bongga sa pagitan ng magsisterakang sina Ramona at Lanie na nagkasira dahil sa tomboy lover ng huli na si Rozel. Ewan kung paano itong reresolbahin ng tanyag na psychologist na si Dr. Margie Holmes without being “graphic” as regards to girl-to-girl affairs.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III