NGAYONG ARAW na ito, Miyerkules, November 26 na ang opening ng pelikulang Past Tense ng Star Cinema na idinerehe ni mae Cruz Alviar. Bida rito sina Kim Chiu at Xian Lim kasama nila si Ai-Ai delas Alas at Daniel Matsunaga.
Ikatlong pagtatambal na ito sa pelikula nina Kim at Xian. Una ay sa Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo at pangalawa ay sa Bride For Rent na pawing naging box-office hit.
Sabi ng young actress, marami raw silang bagong na-discover sa isa’t isa habang sinu-shoot ito.
“Hindi na po siya nagagalit sa akin,” natawang sabi niya. “Kasi dati nagagalit siya sa akin… don’t tell me what to do! Hahaha! Hindi niya ako papansinin dati. Mga one hour o kaya two hours. Pero ngayon okey na siya. Mas open na siya ngayon. Nagiging receiver na siya.
“Kasi minsan, may mga scenes kasi na hinahayaan lang kami ni Direk. Tapos ako, parang iniisip ko, minsan kasi sa script parang hindi siya suwabe sa dila ko so may ginagawa ako, ginugulat ko siya. Para nando’n ‘yong element of surprise tapos tinatanggap niya. Hindi siya parang… wala sa script ‘yan, a! Tapos pag-cut, sasabihin niya sa akin… don’t tell me what to do, direk! You’re directing me!” tawa ulit ng young actress. “Pero ngayon, hindi na. Parang sobrang open na siya na… sige, anong gagawin natin? Gano’n na siya.”
Sa story ng Past Tense, si Ai-Ai ang future ng character ni Kim. At si Kim naman ang past ng character ni Ai-Ai na babalikan nito para sa mga bagay na kailangang itama. Sa mga scenes na magkasama sila, talagang iisa ang kanilang kilos, mannerisms, pati sa expressions at pagsasalita. Paano nila pinaghandaan ito?
“Kami ni Mama Ai, nakakatuwa nga kasi hinahayaan niya ako. Parang… anong gagawin natin dito, baby girl?
“Tapos sabi ko, ‘eto ang gagawin natin Mama Ai. Na bago tayo mag-line, gaganito tayo tapos ganyan. So, hinahayaan lang niya ako sa mga expressions namin. Tapos gagayahin niya, parang gano’n.”
Since may part tungkol sa time travel from future going back to the past ang tema ng story ng Past Tense, meron kayang specific moment sa nakaraan ni Kim na kung makakapag-travel siya pabalik ay gusto niyang mai-correct?
“Uhm… siguro ‘yong sa mom ko. Kasi she left no’ng mga nine years old ako. Na sana napigilan ko. Pero bata pa kasi ako noon, e. Siguro dapat… kung may pera lang ako no’n. Dapat hindi ako natulog para paggising ko nandiyan pa rin siya. ‘Yong gano’n. Na kasama ko pa rin siya. Na sana nag-beg ako na… huwag ka nang umalis.
“Iyon lang naman ang isang bagay na ni-regret ko. Pero other than that, wala na. Parang… sa lahat ng mga nangyari in life, part na ‘yan ng destiny mo. For you to be a better person today. ‘Di ba? Sa lahat ng mga sakuna, sa lahat ng mga unos o bagyo. Sa lahat ng mga tao na naging part ng past mo, you have to thank them kasi… hindi ako magiging ganito ngayon kung hindi dahil sa kanila.”
Kung papipiliin siya, ano ang kanyang mas gugustuhin… bumalik sa past o pumunta sa future?
“Ako, gusto ko future. Kasi past, wala na akong magagawa do’n, e. And it made me into a better person today. Sa future na lang… uy, titingnan ko, maaaksidente yata ako rito kaya hindi na lang ako pupunta. Parang gano’n. Na… ay lolokohin pala ako ng next boyfriend ko, hindi na lang siya. ‘Di ba, gano’n? Para mas may awareness sa future.”
Sa trailer ng past Tense, may tanong kung alin ba ang mas dapat piliin… the love that you’ve always wanted, or the love that have always wanted you. Kung si Kim ang tatanungin, alin ba ang pipiliin niya?
“Siyempre ‘yong mahal ako. Ang hirap naman kung mahal mo lang. Hindi patas ang laban. So, gusto ko ‘yong love ako. Dapat ‘yong mahal ako kasi ang hirap naman ng one way lang na pagmamahal. Kasi kapag gano’n parang inaapi ka. Parang ang baba-baba na ng tingin mo sa sarili mo. Hindi ka na fresh!” tawa pa niya.
“Dapat ‘yong love ka para fresh ka, happy ka, at nakakaganda. Kasi kahit hindi mo naman love, kung love ka, matututunan mo rin naman na mahalin siya, e.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan