Nagsimula ang showbiz career ni Kim pagkatapos niyang maging grand winner sa Pinoy Big Brother Teen Edition. Nabigyan siya ng mga teleserye ng ABS-CBN, mga pelikula ng Star Cinema hanggang pasukin na rin niya ang pagiging recording artist.
“HINDI naging madali pero di tayo bumitaw! We made it. Lahat ng prayers natin 15 years ago, natupad na. Hindi naging madali pero di tayo bumitaw. 15 years ago, nabigyan tayo ng big break,” pahayag ni Kim.
Bukod sa mga challenges sa showbiz career ay marami ring personal trials na pinagdaanan si Kim. Isa na nga rito ang pagkamatay ng kanyang mahal na ina.
“Siyempre hindi palaging sunny day. May mga challenges, nadapa. May mga pagbuhos ng luha.
“Pagkadapa, bangon ulit. Pagkaiyak, hingang malalim, then ngiti. Gusto kong sabihin sayo na yung simple dream natin na makita lang sa TV, naging inspirasyon na rin siya sa ibang tao,” sambit pa niya.
Isa rin sa matinding dagok na pinagdaanan ni Kim ay nung ma-bash siya pagkatapos magbigay ng komento sa pagkakasara ng kanyang home network – ang ABS-CBN. Naging kontrobersyal ang “bawal lumabas” statement noon ni Kim at na-bash siya nang todo.
Pero sa halip na ma-depress ay ginawang inspirasyon ni Kim ang pamba-bash na natatanggp and eventually ay ginawa pang kanta ang kontrobersyal niyang pahayag. Naging hit ang Bawal Lumabas at tinangkilik ito ng mga tao.
Ano ba ang mensahe niya para sa sarili? “Happy birthday. Happy 15th years. Kapit ka lang. Sana proud ka sakin,” emosyunal niyang pahayag.