AMINADO si Kim Chiu na binago talaga ng pandemic ang kanyang buhay in a good way. Nakatulong daw ang pinagdadaanang global health crisis para mas maging matatag siya sa mga hamon ng buhay.
“Binago po ako ng pandemic. Ha-ha-ha,” masayang kuwento ni Kim. “Nakatulong din po yung (It’s) Showtime, sobrang laking tulong po na itayo ko yung sarili ko kasi yon po araw-araw, Mondays thru Saturdays, wala kaming script doon, meron man pero konti lang.
“Parang binibigyan ka nila ng tiwala na, ‘Sige bahala ka kung ano gusto mo.’ So ako, unti-unti kong nagge-gain yung confidence ko simula nung pumasok ako sa Showtime,” pahayag ng girlfriend ni Kim Chiu.
Mahigit isang taon na rin si Kim sa Showtime at nagpapasalamat siya na tanggap ng audience ang kanyang mga kahinaan.
“Okey naman pala. Tanggap naman pala ako ng tao kahit na ganito ako. Bakit kapag tinatago ko yung sarili ko ang dami nilang sinasabi?
“Pero ngayon na hinarap ko na kung sino ako, eh, meron talagang… Meron namang ayaw pero maraming masaya at yon ang mahalaga. Parang be yourself, bahala na sila kung ayaw nila.
“Kasi ako as a person, meron din naman akong ayaw. So ganun talaga yung tao, may ayaw, may gusto. Pero ‘eto ako, enjoy kasi ako sa ginagawa ko kaya tuloy lang ang buhay,” lahad pa ng aktres.
Bagama’t may negatibong epekto sa marami ang pandemya para kay Kim ay meron din naman itong magandang naidulot sa kanya. Nagpapasalamat din si Kim sa patuloy na sumusuporta sa kanya at maging sa kanyang mga bashers.
“Ang magandang epekto ng pandemic ay hindi ako nagpapadala sa sinasabi ng ibang tao dahil masaya ako, masaya yung disposisyon ko sa buhay. Bakit ko yon sisirain sa mga taong hindi ko naman kakilala, di ba?” rason ni Kim.
“Pero siyempre malaki rin ang utang na loob ko sa kanila dahil sinusuportahan nila ako sa mga teleserye, sa mga pelikula. Very grateful ako pero hindi ko sinasabing wala akong pakialam sa mga taong hindi ko kakilala. Nagpapasalamat ako pero pag may sinasabi silang mga bagay a below the belt na, wala na ako diyan.”
“Parang nase-segregate ko na ngayon, nahahati ko na yung mga bagay o mga salita na pinapabasa ko sa sarili ko at ang mga hindi. Pero at the end of the day I’m very grateful sa kanila – basher man yan o fan. Masaya ako na nandiyan sila at sinusuportahan nila ako,” patuloy pang paliwanag sa PUSH ng Kapamilya actress at TV host.