SA WAKAS ay hindi na required ang face shield tuwing tayo ay rarampa sa mga pampublikong lugar (maliban sa ospital). Kahit na ano pa ang estado mo sa buhay – artista ka man o hindi -, siguradong malaking ginhawa ang balitang ito.
Isa si Kim Chiu sa mga taong nagbunyi sa pagbabagong ito. Sa sobrang tuwa niya ay nakapagsulat pa ito ng laugh trip love letter para sa kanyang face shield.
Sulat ni Kim, “Salamat sa lahat ng pinagsamahan natin, almost two years din tayong mag-ON, masaya ako na dumating ka sa buhay ko kahit minsan naiinis nako sa ‘yo pero wala akong narinig na reklamo mula sa ‘yo, salamat sa pag-protekta sa ‘kin sa mga bagay na kinakatakutan ko. Ikaw pa nga ang unang humaharap,”
Ayon pa sa dalaga, time to bid farewell na sa kanyang face shield!
“Masaya ako na nakilala kita face to face. Mami-miss kita, pero I think it’s about time to let go!!!! Ingat ka ha?? Wag ka na balik. Move on na tayo!”
Ayon sa Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes, hindi na magiging mandatory ang pagsusuot ng face shield at boluntaryo na lang ito sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3, Alert Level 2, at Alert Level 1.