EWAN KO pero love ko si Kim Chiu sa kabila ng mga naging opinyon ng press sa sinasabing pagmamaldita niya with her statement na “I don’t owe you an explanation…” na naging laughing stock ng press people sa mga usap-usapan lalo na sa Dunkin’ Donuts-Roces sa Kyusi na tambayan ng press people.
I pity the girl lalo pa’t sweet naman siya noong nakadaupang-palad namin siya personally sa launch niya late last year for her month-long Wansapanatym fantaserye na ang bawat sagot niya ay may karugtong na giggle (hagikhik) lalo pa’t kung ang isyu ay ang tungkol sa kanyang lovelife.
At first, after hearing her “bombastic” answer sa tanong ni Tita Aster Amoyo about sa status ng relasyon nila ni Xian Lim na answerable lang naman ng Yes or No, nagulat ako. I reacted na maging ako, nang magtanong, naging emosyonal din direkta sa kanya.
May hinampo ako sa dalaga na sa simula ng kanyang career ay natuwa nang manalo siya sa PBB. Nakiiyak ako nang magkaroon siya ng problema sa kanyang lovelife with Gerald Anderson na nag-two timer sa kanya. Nakiramay ako at naintindihan ko ang sakit na naramdaman niya nang maulila sa ina na damang-dama ko ang kawalan sa buhay niya dahil ako rin minsan (hindi man emosyonal) ay naapektuhan.
Sabi, puyat si Kim noong araw na ‘yun. Early morning or maliwanag na nang pakawalan sa last shooting day ng pelikula nila ng screen partner na si Xian Lim sa Bride for Rent (today ang showing) kaya medyo masama ang timpla. Kulang sa tulog. Ang tao may bad hair day. Noong araw na ‘yun, hindi maganda ang timpla ng dalaga.
Pero naintindihan ko ang paliwanag ni Kim ng mahimasmasan. Sa katunayan, nakaupo ako sa front row ng Dolphy’s Theater na halos katapat niya noong gabing ‘yun sa presscon. Upfront, matapos siyang magpaliwanag na sa umpisa ay nagtampo ako sa sagot niya, nag-peace sign si Kim sa akin with a smile. Ako rin, sinuklian siya at nag-peace sign din sa kanya na may ngiti sa mukha ko.
Ngayon, kaliwa’t kanan ang hinampo ang maramig press sa kanya. Nagmamaldita na o marunong nang magmaldita ang Chinita Princess na naging love ng press dahil sa kanyang malambing na sagot kapag tinatanong mo siya.
Ang dating sweetness niya, napalitan ng isang bagong Kim na marunong nang magsukli ng maangas na sagot na kung pakikingan mo ang karugtong ng statement niya ay nagpaliwanag ito na hindi “pagtataray” ang gusto niyang itawid sa press para maintindihan siya.
Sabi ng isang kaibigang English writer, kung ang statement niya na ay walang karugtong na paliwanag, ‘yun ang pagtataray na diretsahan.
Pero kung ang statement niya na sa unang dinig ay may karugtong na paliwanag kung bakit ‘yun ang naging sagot niya, maiintindihan mo ang dalaga na hindi siya nagtataray. Malumanay pa rin ang paliwanag niya na kahit nagkaroon na ng opinion ang entertainment press at ang social media sa naging pahayag niya.
We just hope na manumbalik ang positive reaction ng press, lalo na ng publiko sa nangyaring kaganapan na naglagay kay Kim sa alanganin.
We just hope na sa susunod na pagkakataon, sa susunod na kaganapan, mas lalo ko mamahalin si Kim.
NANALO SA bidding ng DepEd si Laguna Gov. ER Ejercito para sa lalawigan niya isagawa ang Palarong Pambansa come May 4-10.
Matapos ang maintrigang Metro Manila Film Festival 2013 kung saan ang pelikula niyang Shoot to Kill: Boy Golden na dinirek ni Chito Roño na binigyan ng Graded A ng Cinema Evaluation Board (meaning 100% tax rebate) ay wala man lang major award na nakuha dahil sa pulitika but still life goes on with Governor.
Hindi nahinto ang pagikot ng mundo niya.
Sa katunayan, simula na ang pagiging abala ni Gov. ER sa preparation ng Palarong Pambansa na ang lunsod ng Santa Cruz ang magiging sentro ng sports event.
Kung walang aberya, ang Palarong Pambansa 2014 sa Laguna ang siyang pinaka-star studded sa usaping sports lalo pa’t naka-line up sa opening ng event sina James Yap, Teng Brothers at Manny Pacquiao na sila ang magbubukas ng palaro.
Reyted K
By RK VillaCorta