ALAM NA ‘to ng lahat, ‘di ba? Na si Kris Aquino ay muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN at mananatiling isang Kapamilya. Sa totoo lang, marami ang natuwa sa naging desisyon ni Kris, dahil hindi naman basta-basta puwedeng itapon ang 18 years ng pagiging Kapamilya, ‘di ba?
And I’m sure, bahagi rin ng kontrata ang pagpapalawig pa ng mga pakpak ni Kris, lalo na ngayong masyadong umaangat ang expectations ng mga tao sa kanya.
In fairness to Kris at lagi namin itong sinasabi: nakakalimutan ng mga tao na anak pala siya ng nagbalik ng demokrasya sa bansa na si Sen. Ninoy Aquino at naging Presidente ng ‘Pinas na si Tita Cory at kapatid pa ng kasalukuyang Presidenteng si PNoy, dahil nakagawa na ng pangalan at marka sa Pilipinas si Kris sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasangkutan niya.
‘Wag na nating isa-isahin kung ano ‘yung mga isyu, basta kami ay happy na, dahil nanatiling Kapamilya si Kris.
KAMI NGA ay almost 22 years na bilang Kapamilya. Pero sabihin n’yo nang ang yaman-yaman na namin? Hahahaha! Juice ko, magdilang-anghel sana kayo. Hindi pa po. Ang importante, nakakakain pa rin ng tatlong beses isang araw with matching meryenda pa, ‘ika nga.
Pagewang-gewang din ang kinikita namin sa ABS-CBN, pero hindi namin naisip honestly na lumipat sa ibang istasyon kahit pa may isang malaking taong kumausap sa amin at hinihimok kami.
Alam naman namin na maliit lang ang mundo ng showbiz, pero importante sa amin ‘yung pinagsamahan sa ABS-CBN. Pero hindi para okrayin namin ang ibang istasyon, ha? Never naming gagawin ‘yon, dahil baka sipain kaming bigla sa ABS-CBN, tapos, hindi na kami makakatok pa sa pinto ng iba, dahil winasak na namin ang tulay na daraanan namin patungo sa ibang istasyon.
Basta kami for now ay very thankful sa ABS-CBN, dahil sino ba naman kami? Hindi naman kami kabawasan sa mga artista nila, ‘di ba? Pero ang napansin ko talaga sa Kapamilya, sobra nilang kinikilala ang “loyalty” mo sa kanila, kaya naman nandiyan pa rin kami bilang isang Kapamilya.
HANGGANG NGAYON, may mga nagne-nega pa rin kay Kim Chiu porke hindi nagustuhan ng iba ang “I don’t owe you any of our personal lives” na sagot niya sa beteranang reporter na si Tita Aster Amoyo.
Well, move on move on din tayo ‘pag me time. Humingi na ng sorry si Kim, okay na ‘yon. Hindi naman niya mini-mean na ma-offend si Tita Aster. Naging totoo lang siya sa kanyang naging sagot sa tanong kung ano na ang real score sa kanila ni Xian Lim.
At in fairness, trailer pa lang ay marami na ang na-curious kung ano ba ‘yung ino-audition ni Kim at ang parang “judge” ay si Xian? Kahit nga kami, eh. Kaya rin very eager kami to watch the said movie kasi gusto naming tuklasin ang “audition” na ‘yon sa movie.
Lalo na’t ang nagdirek ay si Direk Mae Cruz na siya ring director ng blockbuster movie na She’s The One nina Bea Alonzo, Dingdong Dantes, Enrique Gil at Liza Soberano.
Since hindi naman kami in-invite sa premiere night, sa regular showing na lang kami manonood. Hahahaha!
Oh My G!
by Ogie Diaz