OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Pak na pak na naman tayo at more chikka, more fun na naman to the maximum authority of chikka ng nag-iisang yours truly!
Dahil maloloka ka talaga sa Earth, ito kasing si Kim Chiu, walang kasing dakilang anak!
Marami ang naaawa kay Kim kasi sobrang sakripisyo ang dinadala n’ya. Hindi kasi n’ya alam kung ano ang gagawin n’ya sa kanyang magulang kung paano ulit magsasama-sama. Napakabata pa kasi ni Kim para siya ang humarap ng problema kaya hindi niya ma enjoy ang kanyang sarili. Heto siya at nagtatrabaho nang todo at siya ang gumagawa ng solusyon para ma-solve ang problema ng kanyang pamilya.
Wala kasi siyang magagawa, kasi siya lang ang kumikita sa kanila, hiwalay ang magulang niya at palihim na binibigyan niya ng pera ang kanyang ina. Kasi ‘pag nalaman daw ito ng kanyang ama, malaking gulo ang mangyayari. Siyempre, anak lang siya, nangangailangan ng tulong ang kanyang ina, kaya hindi niya matiis. Kahit pinagbawalan siya ng kanyang ama na ‘wag susuportahan ang kanyang ina, pati ang kanyang mga kapatid. Kaya ‘pag nagpapadala siya ng suporta, palihim lang at siya lang ang nakakaalam.
Kaya kung totoo man ito, dapat malaman ng tatay na may karapatan din na makinabang ang kanyang ina sa inaa-ning tagumpay ni Kim ngayon. Masasabi nating napakaganda talaga ng puso ni Kim, kaya naman siya pinagpapala. Bihira lang ang katulad ni Kim na marunong magdala ng problema. Mabuhay ka…. say mo Sarah G.?! Megano’n?!
ANOTHER CHIKKA naman itong ikaklaro lang natin. Si Nora Aunor, isang Badjao ang gagampanan sa kanyang pelikulang Thy Womb na kasalukuyang nagsi-shooting sa Tawi-Tawi. Unang indie film ni Ate Guy ito na ididirek ni Brillante Mendoza. Kasama niya sa cast sina Bembol Rocco, Lovi Poe at Mercedes Cabral.
Napaka-realistic ng pelikulang ito, kasi mismong sa mga tribo ng Badjao sa Tawi-Tawi ginagawa ang pelikula, at sa wakas nga pala, pinag-uusapan na sa congress ang inihain na bill na si Cong. Golez, ang pagiging national artist ni Nora Aunor, na halos lahat ng kasamahan ni Guy sa industria ay natutuwa na dapat daw noon pa ito iginawad sa nag-iisang Superstar.
Ano kaya ang masasabi ng mga Vilmanian na laging poor second ang kanilang idolo. Take note, hindi ako nang-iintriga n’yan, kasi totoo.
At klaklaruhin lang natin, ang nachikka ko noong nakaraang araw, hindi pala si Jun Sta. Maria ang composer ng Sinong Baliw, Si Mon del Rosario, ang kaibigan ni Jun Sta. Maria. Ang kinompose niya ay ang kantang Minsan Pa ni Zsa Zsa Padilla sa 8th Metro Pop at 3rd prize winner din siya, at 1998 Metro Pop finalist. Wala pang Ogie Alcasid noon, at ang mga composer noon, respetuhan nga raw… Pak!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding