KIM CHIU recently got her much-deserved break after finishing her top-rating teleserye My Binondo Girl. Sumabak siya sa isang kakaiba at exciting trip kasama ang kanyang Ate Lakam. Mukhang pinanindigan ni Kim ang kanyang pagiging ‘my Binondo girl’ at Chinese dahil pinili niyang magbakasyon sa Macau.
Kim made the most out of her vacation dahil hindi niya pinalampas ang pagkakataon na hindi mapuntahan ang mga magagandang temples, restaurants at hotels sa Macau. Kahit sino ay mag-e-enjoy sa Macau dahil maraming puwedeng puntahan dito gaya ng Ruins of St. Paul which is famous for its stone façade and magnificent staircase, ang Senado Square, at ang A-Ma Temple. Kung feeling mo naman ay ikaw si Jandi ng Boys Over Flowers kasama ang F4, eh ‘di sumakay ka ng gondola habang hinaha-nap mo ang iyong Gu Junpyo. (Incidentally, Jandy ang tawag sa mga fans nina Kim at Xian Lim na mula sa pinagsamang pangalan nila na Jade at Andy sa My Binondo Girl).
Kuwento niya, “Sa hotel, nandoon na iyong mall sa baba. Nag-gondola kami tapos nag-sight-seeing sa baba.”
Mas naging espesyal pa ang pagpunta ni Kim sa Macau dahil nakapag-bonding sila ng kanyang Ate Lakam na hindi niya madalas makasama because of their busy schedules.
And despite her waif-like appearance, Kim is an adventure seeker. Patunay rito ang kanyang ginawang bungee jumping sa Macau Tower na isa ring kilalang tourist attraction sa Macau because it offers visitors spectacular panoramic views. At isa sa mga di-malilimutang experiences dito ay ang pagtalon mula sa taas na 1,109 feet. Aba, kung mahina-hina ang iyong dibdib ay tiyak na hindi mo kakayanin ang ganitong klase ng nakalululang adventure.
“Masarap! Masaya iyong experience. Kakaiba. Gusto ko kasi iyong mga ganoon parang natsa-challenge ako,” kuwento ni Kim.
Now that she’s back ay busy na naman si Kim sa shooting ng pelikulang The Healing kung saan kasama niya sina Batangas Governor at Star for All Seasons Ms. Vilma Santos, Janice de Belen, at Pokwang. The movie is directed by Chito Roño under Star Cinema.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda