ANIM NA TAON na ang relasyon nina Jerald Napoles at Kim Molina na parehong bida sa pelikulang Ang Babaeng Walang Pakiramdam ng Viva Films. Nagsimula ang kanilang pag-iibigan nang magkasam sa stage musical na Rak of Aegis six years ago.
Thirty eight years old na si Jerald samantalang si Kim ay 30 na. Pero until now, walang malinaw na plano kung kailan ba nila balak magpakasal o i-level-up ang kanilang relasyon.
“Ano po, eh, kasi late bloomer kami sa career. We wanna maximize po sana kung ano po yung kayang i-offer pa namin para mas solido yung pundasyon kung saan man kami papunta in the near future,” reaksyon ni Jerald sa usaping kasal.
“Pero hindi naman po namin inaalis sa isip namin yung mga ganung bagay. Sa ngayon lang po kailangan po na… para sa akin at naniniwala naman po si Kim dito at nasabi ko na rin sa kanya especially during this pandemic, it’s a day to day basis approach.
“Mahirap pa kasing magplano ngayon regarding sa ganyan. We need to survive muna now and then let’s plan it together again after the year and see what happens.
“Maybe we can plan something else to both of us, but for now as far as we have careers because a lot of people ay nare-retrench, nawawalan ng trabaho, maraming nawalan ng career kaya sa ngayon trabaho muna yung focus natin,” tuluy-tuloy na paliwanag ni Jerald.
Aware din ang showbiz couple sa tinatawag na “7 year itch” at handa na raw sila dito. Sa isang relasyon ay masasabing kritikal ang ika-7 taon. Dito raw kasi masusubok ang katatagan ng dalawang nag-iibigan, pero kapag nalampasan naman nila ito ay magiging okey na ang mga susunod pang taon.
“Ako na lang ang magsasalita tungkol diyan kasi usually kaming mga lalaki ang nakasalang sa ganito, eh. Ano po, eh, constant communication and kailangan n’yong pag-usapan lahat sa fourth year pa lang habang papuntang fifth, sixth, seventh year para hindi kayo nagtatago sa isa’t isa.
“Kumbaga on the sixth year you’ve been talking about what’s happening, is it growing, parang may ganun lang para sa seventh year n’yo parang renewal of contract na lang kumbaga. Kasi basically, maski naman po akong lalaki on the sixth year aware ka na na, ‘Uy, may narinig akong seventh year itch. Ano ba yon? Sana hindi yon mangyari sa amin?’
“To be honest, of course nasa utak ko yon at kailangang napi-preempt mo na siya. Kung ano ba yung bagay na magiging dahilan,” lahad pa ni Jerald na sinang-ayunan naman ni Kim.