HINDI makapaniwala si Kim Molina na isang certified box-office hit ang launching film niyang Jowable na prinodyus ng Viva Films. Kumita na ng halos P50M ang pelikula simula nung ipalabas ito last Sept. 25.
“Hindi pa po nagsi-sink in sa akin, pero ngayon po kasi… hindi ko po alam, eh, lumulutang pa po ako ngayon,” masayang reaksyon ni Kim sa ginanap na victory party ng Viva Films para sa cast ng Jowable.
Naisip ba niya na kikita ang Jowable?
“I had high hopes. Sobrang… kasi ngayon naniniwala po ako na our audience, they are very intelligent now, because mas open na ang audience ngayon sa iba’t ibang konsepto ng pelikula, ng series, sa ibat ibang platform like netflix. Ganun din yung nakita ko when I read the script first hand.
“Sabi ko, ‘Uy, parang ganito ‘to, kumbaga it’s different, although sasabihin ng iba na parang ganun din, hugot film din siya, but at the same time kasi it’s real like the way my character talk to other character, such the way you would talk to your friends outside your house.
“Nakakatakot din lang kasi siyempre marami pong batikos na maririnig diyan kasi bago, eh. First time sa sinehan na magkaroon ng ganun kalutong na mga mura at saka ganun ka-intense na mga sitwasyon,” paliwanag ni Kim.
Malaki rin daw ang pasalamat nila sa MTRCB na hindi masyadong hinigpitan ang kanilang pelikula.
“We’re very thankful sa MTRCB kasi nakita nila yung mas deeper meaning of the film, na hindi lang yung words, so ayun,” lahad pa niya.
Umaasa naman si Kim na sa pamamagitan ng Jowable ay mabibigyan din ng break o pagkakataon ang ilang theater actors na magagaling.
“By this movie, I am hoping na mabibigyan din sia ng chance kaya rin po ako natutuwa, maraming work, maraming actors, mas sasaya,” pahayag ni Ms. Jowable.
La Boka
by Leo Bukas