Si Jerald ang unang nagsalita, Aniya, “I think as we grow old talagang may madi-discover ka pa sa bawat isa, maski sa sarili na, ‘Ay ganito pala ako pag tumatamda,’ may mga ganung bagay tayo. Tapos madi-discover din namin sa isa’t isa yon.”
“Ang mahirap sa pagsasama sa iisang bubong ay yung kung paano ka magiging honest sa pinagdadaanan mo bilang indibidwal which kailangang gawin mo yon sa partner mo para matulungan ka. At yon din naman ang masarap do’n, na kapag nangaiangan ka ng tulong, kailangan mo ng kapartner sa buhay since andyan lang siya sa tabi mo mas madali na,” dagdag na paliwanag ni Jerald.
Ayon naman kay Kim, “Marami pa po akong nadi-discover same as Jerald sa sarili ko. Nandon ako sa transition na, ‘Ah, eto pala yung gusto kong gawin in the long run, ganyan. At mas lalo ko pang nare-realize na tama ang naging desisyon ko to be with him kasi magkapareho talaga kami ng mga gusto sa buhay, na parang swak talaga.
“Kahit yung mga gusto kong sabihin, tatapusin nya yung sasabihin ko na nakakairita na minsan kasi minsan gusto kong tapusin yung statement ko, eh, yon din yung gusto niyang sabihin, so ayun.”
Aminado rin si Kim na medyo nahirapan siyang mag-adjust sa pakikipag-live-in sa boyfriend.
“Yung mahirap namn is well, yung adjustment nandon pa rin naman po kami, lalo na sa akin ngayon since pandemic pa rin and I’m adjusting to living with him without my family kasi malayo sila, so nandodon ako sa pag-a-adjust ko na ako’y may bagong taong kasama sa iisang bubong. Pero masarap sa feeling na nandyan lang din siya,” lahad pa niya.
Naikwento rin ni Kim na dumaan sila noon sa matinding challenge bago tumagal ng 7 taon ang kanilang relasyon ni Jerald.
“I think it happened way before the public knew about us. Parang it already happened before then na ano… Kasi siyempre kami po bilang artista marami pa kaming gustong gawin individually tapos magkahiwalay din namn talaga yung mga path namin, eh.
“So, siyempre yung transition na ano ba, kailangan ko ba munang magka-boyfriend or magka-girlfriend at this time kung kailan kakatapos lang ng Rak of Aegis at ang may alam lang at nagtitsismis lang na kami ay friends namin na ka-close sa industry, So I think nalampasan na namin siya,” balik-tanaw ni Kim.
Ang Ako at Ikaw at ang Ending ay isinulat at idinirek ni Irene Villamor na nagdirek ng mga pelikulang Sid & Aya, Meet Me in St. Gallen at Camp Sawi.
Mapapanood ang Ako at Ikaw at ang Ending sa VivaMax at sa iba pang streaming platform simula sa Aug. 13, 2021.