Masaya raw ang Kapuso actress na si Kim Rodriguez sa bali-balitang may unawaan na raw ang kanyang bestfriend at manliligaw na si Kiko Estrada at si Barbie Forteza.
If ever nga raw totoo ito ay happy si Kim Rodriguez kay Kiko dahil deserving naman daw itong lumigaya at magkaroon ng girlfriend. Mabait naman daw ang binatang Estrada at mapagmahal.
Hindi nga lang daw talaga priority ni Kim ang pagkakaroon ng relasyon sa ngayon, kaya naman ang kanilang special friendship ni Kiko Estrada ay hindi umabot sa mas malalim na relasyon.
Mas gusto raw kasi ni Kim na mag seryoso muna sa kanyang career at isantabi ang pagkakaroon ng boyfriend, dahil marami pa siyang gustong tuparing pangarap sa kanynag sarili.
Sa ngayon, regular na napanonood si Kim sa “ ” na pinagbibidahan nina Derrick Monasterio at Bea Binene.
FAB4Z, isa sa bibida sa P-Pop Boy Groups On Tour 2016
SA KABILA ng maraming nagsulputang boy groups, ‘di pa rin pahuhuli ang grupong FAB4Z, kung saan ay magkakaroon na naman ng bagong single mula sa songwriters ng Filipino Composers Development Coop or FILCOMDEC.
Kaya nakae-excite sa kanilang mga fans ang aabangang newest single ng mga ito entitled “Will You Be My Girl” na aawitin nila sa darating na May 28 sa Star Mall Las Piñas para sa P-Pop Boy Groups On Tour, kung saan magsasama-sama ang ilan sa mga hottest boy groups ng Pilipinas sa iisang event.
Sa katunayan, isa ang FAB4Z sa mga grupo na nag-umpisa nang maitaguyod at pagkaisahin ang mga P-Pop groups sa isang samahan na naglalayon na maitaas at paigtingin ang paglaganap ng P-Pop trend sa ating bansa nang sa gayon ay mahimok ang mga Pilipino na tangkilikin ang sariling atin laban sa mga foreign pop groups tulad ng K-Pop, J-Pop at iba pang lahing banyaga at maging ang kanilang musika.
Ang FAB4Z ay binubuo nina Patrick Villanueva, Jhuen Gatchalian, Miki Laborte, at si Yuan Salcedo (leader ng grupo). Nag-umpisa ang music journey nila noong naging semi-finalist sila at ang unang kanta nila sa KBP Pop Music Festival at hanggang sa sila ay nagkaroon ng recording project na digital album na ngayon ay available sa Pinoy online music store na opm2go.com.
Nagmula man sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ang apat na miyembro na tila sumasagisag sa apat na malalaking bahagi ng bansa – ang Luzon, Visayas, Mindanao, at NCR – hindi naging hadlang ang pagkakaiba ng personality at kinalakihang probinsiya para sa kanilang adhikain na maging isang grupo na matatawag na Philippine pop group o proudly Filipino sa dating ng hitsura at ng musika.
John’s Point
by John Fontanilla